Hannah Precillas dedicates original single "Kung Walang Ikaw" to her mom
Ayon kay Hannah Precillas, dine-dedicate niya raw ang kanyang "Kung Walang Ikaw" sa kaniyang ina na siyang nagmulat sa kaniya sa musika at unang naniwala sa kaniyang mga kakayahan.
Patuloy na namamayagpag ang singing career ng Bet Ng Bayan winner na si Hannah Precillas.
Noong Miyerkules, March 20, opisyal nang ini-release ng GMA Music ang debut single ni Hannah na "Kung Walang Ikaw" na isinulat ng beteranong composer na si Vehnee Saturno.
Sabi ng 21-year-old singer, dine-dedicate niya raw ito sa kaniyang ina na siyang nagmulat sa kaniya sa musika at unang naniwala sa kaniyang mga kakayahan.
"For me, hindi enough 'yung thank you lang sa lahat ng paghihirap niya. Kung nagpupuyat ako, mas nagpupuyat siya kasi lagi ko siyang kasama 'pag may singing contest, may guesting. So thank you, Mama, for supporting me always and for always being there every time I need someone," bahagi ni Hannah sa ginanap na media conference noong March 20.
Isang milestone para sa career ng young singer na mabansagang Kapuso OST Princess dahil sa kaniyang nakakaantig na boses. Sa katunayan, bago pa man i-release ang kaniyang single na "Kung Walang Ikaw" ay napili na ito bilang official theme song ng Kapuso morning series na Hiram Na Anak.
"Puro OST po ang kinakanta ko and nakilala as OST Princess ng Kapuso Network and ngayon masaya ako na ginamit nila 'yung single ko for Hiram Na Anak," ani Hannah.
Ano kaya ang kaniyang pakiramdam kapag tinatawag siyang OST Princess?
"Sa una po talaga nagkaroon ako ng awkwardness 'pag sinasabing ako ang OST Princess pero I'm so happy. I always feels blessed na may nangyayaring ganito sa life ko," sagot ni Hannah.