EXCLUSIVES

Liana Castillo and Yasmien Kurdi
GMA Music

Liana Castillo, may mensahe kay Yasmien Kurdi para sa Gen Z revival ng 'Umaambisyon'

By Aimee Anoc
Published On: October 10, 2024, 6:38 PM

Liana Castillo kay Yasmien Kurdi: "Sana po magustuhan n'yo po 'yung rendition ko po and I really love the song."

Binigyan ng Gen Z rendition ng Sparkle artist na si Liana Castillo ang hit love song ni Yasmien Kurdi na "Umaambisyon" para sa kanyang second single under GMA Music. 

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, nagbigay ng mensahe si Liana para kay Yasmien. 

"Ms. Yasmien Kurdi sana po magustuhan n'yo po 'yung rendition ko po and I really love the song po," sabi ni Liana.

"Sa mga fans po na ang favorite version po nila is 'yung kay Ms. Yasmien Kurdi sana po magustuhan po ninyo ang aking rendition and mag-enjoy po kayo," dagdag niya.

 

Noong October 4, inilabas na ni Liana ang sariling version ng "Umaambisyon," na agad na pumasok sa 15th spot ng iTunes Philippines chart

Ayon kay Liana, napili niyang gawan ng revival ang "Umaambisyon" dahil nagustuhan niya ang "groove ng kanta at melody" nito. 

"Since revival po siya ang ginawa po naming changes, medyo ginawa po naming Gen Z. Ito pong 'Umaambisyon' is like part two of 'Bebegurl.' Ito po kasi parang opening up to love po pero syempre ako po muna."

Pakinggan ang "Umaambisyon" ni Liana Castillo sa video na ito: 

 

 

SAMANTALA, MAS KILALANIN SI LIANA CASTILLO SA GALLERY NA ITO: 

 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->