EXCLUSIVES

Widows War
GMA Playlist

'Widows' War' soundtrack, now available for download and streaming

By EJ Chua
Published On: July 22, 2024, 5:02 PM

Pakinggan n’yo na rin ang official theme song ng ‘Widows’ War’! 

Good news! Available na for download at online streaming worldwide ang original soundtrack ng Widows’ War

Ang theme song ng pinag-uusapang murder mystery drama ay pinamagatang “Bakit Ba Naman.”

Ito ay isinulat ni Rina May L. Mercado. 

Parte rin ng pagbuo nito sina Simon L. Tan at Bryan P. Gajardo. 

Ang “Bakit Ba Naman” ay inawit ng Kapuso artists na sina Rita Daniela at Hannah Precillas. 

Una na itong napakinggan sa inilabas na music video ng Widows’ War

 

Noong June 21, personal naman itong inawit nina Rita at Hannah sa mismong media conference ng bagong serye. 

Tumatak na ito sa ilang viewers dahil mula July 1 ay naririnig na ang awiting ito sa simula at pagtatapos ng bawat episode ng 2024 murder mystery drama. 

Samantala, maaari ring mapakinggan ang kantang “Bakit Ba Naman” DITO:

Ang serye ay pinagbibidahan ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana

Patuloy na subaybayan ang Widows’ War, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->