EXCLUSIVES

David Licauco
GMA Playlist

'Maria Clara at Ibarra' OST na 'Kailangan Kita' by David Licauco, available na for streaming

By Marah Ruiz
Published On: February 17, 2023, 7:29 PM

Available na sa iba't ibang streaming platforms ang "Kailangan Kita" ni David Licauco na mula sa 'Maria Clara at Ibarra.'

 

Maari nang mapakinggan sa ilang digital at streaming platforms and awit ni David Licauco na "Kailangan Kita" simula ngayong araw, February 17.

Isa ito sa theme songs na ginagamit sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, partikular sa mga eksena ng kanyang karakter na si Fidel at ni Klay na role naman ni Barbie Forteza.

 

 

Ang "Kailangan Kita" ni David Licauco ay composed at arranged ni Simon L. Tan para sa GMA Playlist.

Available na ito for streaming and download sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital platforms.

Pakinggan ang "Kailangan Kita" ni David Licauco mula sa GMA Telebabad series na Maria Clara at Ibarra rito:

 

 




 

Samantala, patuloy na panoorin si David Licauco bilang Fidel sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital  channel na Pinoy Hits, habang mapanood naman ang same-day replay nito Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m. sa GTV.

Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.


 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->