EXCLUSIVES

Abby Clutario
AltG Records

Abby Clutario, may payo sa mga young musician

By Aimee Anoc
Published On: January 19, 2023, 10:01 PM

Simula January 20, mapapakinggan na ang rendisyon ni Abby Clutario sa sikat na awitin ng Up Dharma Down na "Tadhana" sa iba't ibang digital music platforms worldwide. 

Sa pagsisimula ng taon, isang bagong musika ang hatid ng multitalented singer-songwriter na si Abby Clutario.

Mapapakinggan na ang kanyang rendsiyon sa sikat na awitin ng Up Dharma Down na "Tadhana" sa iba't ibang digital music platforms. Ito ang first single ni Abby under AltG Records. 

Sa awiting ito, hindi lamang niya ipinamalas ang husay sa pagkanta, ipinarinig din niya ang talento sa pagtugtog ng electric musical instrument na Chapman Stick.

 

 

Kilala si Abby bilang isang independent artist at miyembro ng progressive rock band na fuseboxx mula 2001. Noong November 2022, opisyal siyang pumirma ng kontrata bilang bagong artist ng AltG Records. 

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Abby ang mga natutunan sa loob ng mahigit dalawang dekada sa industriya. 

Kuwento niya, "Sa akin matagal na rin ako sa larangan ng musika at tama kayo, marami na rin akong mga na-experience na iba-ibang genre ng music na napasukan. Some of it okay, some of it not so okay. Pero it's actually not that goal 'yung mas importante, feeling ko its really the journey of it.

"Kung babalikan mo lahat ng mga pinagdaanan mo masasabi mo, 'Ah, maganda naman pala 'yung nangyari.' Even if nandito ka sa pwesto mo ngayon na feeling mo parang may kulang pa or parang feeling mo hindi ka ganoon kasikat, o hindi ka ganoon kagaling, then you back track all of the journey and experiences, malalaman at malalaman mo na lahat iyon ay essential sa end goal mo."

Dagdag na payo ni Abby para sa mga young musician ngayon na nais mag-explore, "You just have to free up yourself and do what you like, to be creative about it. 

"Huwag mong isipin na kaya mo s'ya ginagawa is eventually magiging sikat ka. And it doesn't really equate to being sikat is equal to being magaling, hindi s'ya pareho. Sa music scene natin, sadly you can't really distinguish that from each other. 'Yung music scene natin is medyo nakakalito, nakaka-confuse but if you are given a chance, you gonna take it. 

"If you are given a chance to explore on a different ground, kahit na hindi mo s'ya masyadong [alam] ... pero sa tingin mo it can be another chance for you to share what you have and what you know, then go for it. It's always an opportunity kasi kapag nawala 'yung opportunity hindi mo na 'yan mababalikan."

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->