EXCLUSIVES

Abby Clutario
AltG Records

Abby Clutario, ipapakilala ang Chapman Stick sa upcoming rendition ng 'Tadhana' Inbox

By Aimee Anoc
Published On: January 17, 2023, 7:59 PM

Ang "Tadhana" ang debut single ni Abby Clutario under AltG Records, na mapapakinggan simula January 20 sa lahat ng digital music platforms worldwide.

 

Handa na ang multi-talented singer-songwriter na si Abby Clutario na maiparinig sa lahat ang sarili niyang rendisyon sa sikat na awitin ng Up Dharma Down na "Tadhana." 

 

 

Kaabang-abang ang upcoming single na ito ni Abby dahil hindi lamang niya rito ipapamalas ang husay sa pagkanta, iparirinig din niya ang talento sa pagtugtog ng Chapman Stick, kung saan ay isa lamang siya sa dalawang tumutugtog nito sa bansa.

"This is a U.S. made instrument. Ang inventor nito si Emmett Chapman, actually, kakamatay lang niya two years ago. Kumbaga noong nadala ito sa Asia... actually nu'ng nabili ko s'ya at nalaman nilang nagkaroon ng chapman stick na umabot sa Pilipinas, medyo nagulat din sila na umabot 'yung instrumento nila sa Pilipinas," pagbabahagi niya. 

Dagdag ni Abby, "There have been talks tapos natuwa sila. And then, they wanted me to like be an ambassador dito sa Pilipinas. Ayun, kaya nagtuloy-tuloy naman din 'yung aking pagsasanay rito sa instrumentong ito. Hanggang ngayon ay mina-master pa rin natin siya pero I'm very grateful for that opportunity na na-discover ko 'yung instrument."

Ayon kay Abby, sinimulan niyang aralin ang 12-string electric instrument mahigit 10 taon na ang nakalilipas. Ito ay nang nawalan ng bass guitar player ang kinabibilangan niyang progressive rock band na fuseboxx. 

"I first started with it doon sa banda ko rati na fuseboxx. Nagkataon lang when I acquired it siguro a few months later nawalan din kami ng barista at that time. 

"This one that I have is the [10-string], pero 'yung original na nabili ko rati mas marami 12-string s'ya. Mayroon din 'yung bass strings na pwedeng gamitin, kasing range n'ya yung bass guitar. So sinuggest ng kabanda ko, 'Sige wala naman tayong barista, baka pwede mong gamitin 'yang chapman stick as a bass guitar.' Doon ko naumpisahan s'yang aralin," kuwento niya.

Ibinahagi rin ng singer-songwriter na isa sa mga goal niya sa music industry ay ang maipakilala ang chapman stick. Aniya, "Siguro nakukuha ko na 'yun ngayon dahil sa paglabas ng aking single na 'Tadhana' at nai-record ko 'yun using the chapman stick." 

Mapapakinggan ang "Tadhana" simula January 20 sa lahat ng digital music platforms worldwide. 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->