EXCLUSIVES

Papa Obet
GMA Music

Papa Obet shares life lessons he learned from being a DJ to a recording artist

By Aimee Anoc
Published On: October 28, 2022, 5:39 PM

"Kasi noong nagsimula ako sa radyo, talagang totally kinalimutan ko na e. Sabi ko, 'Wala na 'yan. Hindi na ako kakanta.' Hindi ko alam na mabibigyan din pala ako ng pagkakataon na makagawa ng kanta." - Papa Obet

High school pa lamang ay pangarap na ni Papa Obet na maging isang recording artist.

]Sa interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Papa Obet na minsan na niyang kinalimutan ang pangarap na ito lalo na nang maging established disk jock ng Barangay LS Forever.

Simula 2002 ay radio DJ na si Papa Obet kaya naman hindi niya inaasahan na matutupad pa ang pangarap na maging isang singer. Noong 2017, nabigyang katuparan ito nang maging ganap na recording artist ng GMA Music at mai-release ang una niyang original song na "Una Kong Pasko." 

"Noong bata ako pinapangarap ko lang and then natutupad pala. Kasi noong nagsimula ako sa radyo, talagang totally kinalimutan ko na e. Sabi ko, 'Wala na 'yan. Hindi na ako kakanta. Kakanta na lang ako siguro sa bahay, sa mga videoke.' Hindi ko alam na mabibigyan din pala ako ng pagkakataon na makagawa ng kanta. Makapag-contribute sa OPM," kuwento ni Papa Obet.

Kaya naman payo niya para sa may mga pinapangarap din, "Ituloy lang nila 'yung ginagawa nila kasi kapag ginusto talaga nila 'yung gusto nilang gawin, matutupad talaga 'yun. Walang imposible. Kasi kapag itinigil mo, talagang wala, hanggang doon ka na lang. 

"So kung may gusto ka kahit hindi sa pagkanta o pagraradyo, kahit sabihin nating sa medical, engineering, kahit nakikita mo ngayon na imposible, ituloy mo lang kasi balang araw magiging posible ang gustuhin mo."

Sa darating na November 11, bagong musika ang handog ni Papa Obet para sa lahat-- ang pinakabago niyang Christmas single, ang "Regalo."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Papa Obet (@papaobet)

Samantala, pakinggan ang una niyang EP, ang Papa Obet Sessions, RITO.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->