EXCLUSIVES

READ: Alden Richards, halos death-defying ang gagawin sa 'Adrenaline Rush'

By Cherry Sun
Published On: August 31, 2018, 3:27 PM

Makapigil-hininga at nakakakaba, ganito ang production numbers na tinitiyak ni Alden Richards na mapapanood sa kanyang second major concert na ‘Adrenaline Rush.’

Makapigil-hininga at nakakakaba, ganito ang production numbers na tinitiyak ni Alden Richards na mapapanood sa kanyang second major concert na ‘Adrenaline Rush.’

IN PHOTOS: At the media conference of Alden Richards's 'Adrenaline Rush'

Paniguradong mas hihigitan daw ng Pambansang Bae ang kanyang performances sa kanyang unang major concert na ‘Upsurge’ dahil sa kanyang pinaghahandaang intense production numbers.

Aniya, “Nung sinasabi po sa akin ‘yung mga segments, kinakabahan po akong gawin silang lahat kasi medyo delikado siya… ‘Yung element po kasi nung previous concert ko was water, linagyan po namin ngayon ng air so more on nasa langit po tayo.”

“Talagang malaki ‘yung safety requirement po na kailangan naming paghandaan for this show kasi hindi po joke ‘yung mga prods and performances. It’s all about precision, it’s all about timing para ma-pull off namin ‘yung gagawin naming production numbers,” paliwanag niya.

Aminado si Alden na hindi biro ang kanyang mga gagawin sa ‘Adrenaline Rush’ kaya sagad ang kanyang dedikasyon sa pagpaplano at pag-eensayo para rin hindi ma-disappoint ang kanyang mga tagahanga.

Wika niya, “Before po kasi I’ve done quite a few production numbers that involve dancing, singing and doing stunts at the same time. Hindi po talaga siya madali kaya hands down po ako sa mga performers who do it flawlessly kasi mahirap po ‘yung body movement mo is not aligned with the singing, nag-iiba po ‘yung tono. So ‘yun po ‘yung challenge sa amin, most especially po sa akin, how I can deliver po during those performances.”

Maliban sa stunts na mapapanood sa kanyang concert, kaabang-abang din daw ang mga pinili niyang kanta.

Sambit ni Alden, “Ibang genres naman ng songs ‘yung i-explore natin na hindi masyadong within our comfort zone para makita ko rin po, kasi nag-send na ng line-up of songs eh so pumipili na po kami. We are handpicking songs na medyo kakaiba naman pakinggan. Kasi kahit ako po hindi ko po ma-imagine ‘yung sarili ko.”

Ang 'Adrenaline Rush' ay magaganap sa Kia Theater sa September 21. Ang album ni Alden na 'Until I See You Again' ay magiging available rin sa araw na ito sa iba't ibang digital platforms. 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->