Denise Barbacena, bakit si Anjay Anson ang napiling makasama sa music video ng 'Last Thing I'd Do?'
Gumanap na boyfirend ni Denise Barbacena si Anjay Anson sa music video ng pinakabagong single na "Last Thing I'd Do."
Sa naganap na Zoomustahan kahapon, May 12, masayang ikinuwento ni Kapuso singer-actress Denise Barbacena kung bakit si Sparkada artist Anjay Anson ang napili niyang makasama sa music video ng pinakabagong single na "Last Thing I'd Do."
Ayon kay Denise, bago pa mapili si Anjay ay may ilan ng mga pangalan ang lumabas para maka-partner niya sa music video.
"Just like most of the time sa project nagbi-brainstorm. May ilang pangalan nang lumabas for the spot sana. Pero syempre just like the usual hindi naman kung sino 'yung una n'yong maiisip is pasok kaagad s'ya roon sa mga kinokonsider n'yo," kuwento ni Denise.
Dagdag niya, "May mga ilan din akong friends na hindi ko actually naalala nung moment na we were talking about who's gonna be my partner kasi nga sobrang quick na lang nung preparation for the music video so kaunting time lang 'yung brainstorming."
Dahil pareho ng handler at team, isa si Anjay sa mga ikinunsidera ng grupo ni Denise sa mga pagpipilian.
"Si Anjay po kasi kung napapanood n'yo bago siya Sparkada. We have the same handler and under the same team. So we thought na parang 'Okay, kasi fresh, new talent. Tingnan natin baka naman mag-work kahit na medyo may agwat kami sa age. Let's see if mag-work naman s'ya on-cam.' And pasok naman s'ya roon sa hinahanap namin na cute guy, very loving, and supportive lang," sabi niya.
Ang "Last Thing I'd Do" ang unang single ni Denise sa ilalim ng GMA Playlist na inilabas noong April 29.
Panoorin ang music video ng "Last Thing I'd Do" rito:
Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso singer-actress Denise Barbacena sa gallery na ito: