
GMA Records artists and songs, nominado sa 31st Awit Awards
Congratulations, GMA Records!
Pasok bilang finalists ang ilang GMA Records artists at songs sa 31st Awit Awards, isang award-giving body mula sa Philippine Association of the Record Industry (PARI).
Ilan sa mga nominado ay si Nar Cabico para sa kaniyang awit na “Gaga” kung saan nominado siya ng Best Novelty Recording at Best Performance by a New Male Recording Artist. Finalist din sa Best Christmas Recording si Barangay LS 97.1 DJ na si Papa Obet para sa kanyang kantang “Una Kong Pasko.”
Nominado rin bilang Best Rap and Hip-hop Recording ang Hybrid Project para sa awit na “Sulong” at ang kantang “Buong Pusong Magmahalan Ngayong Pasko.”