Kaninong tinig ng babae ang naririnig sa 'Rescue Me' ni Alden Richards?
Kahapon, August 31, ay napakinggan na sa una at eksklusibong pagkakataon ang bagong single ni Alden Richards na ‘Rescue Me.’ Marami ang nahumaling sa isang tinig ng babae na narinig sa awit ng Pambansang Bae. Sino nga ba ito?
Kahapon, August 31, ay napakinggan na sa una at eksklusibong pagkakataon ang bagong single ni Alden Richards na ‘Rescue Me.’ Maliban sa marami ang napukaw ng kantang ito, marami rin ang nahumaling sa isang tinig ng babae na narinig sa awit ng Pambansang Bae.
READ: Alden Richards' 'Rescue Me' dominates Twitterverse
Kaninong boses nga ba ang mapakikinggang kasabay umawit ni Alden sa ‘Rescue Me?’
Ang additional vocals sa kanta ay mula kay Agat Obar-Morallos, ang nagsulat at nag-compose din ng 'Rescue Me.'
Ani Agat, “[I] wrote this song last year when I felt the worst pain in my life. Glad I can still handle it… Praying one day there would be a cure.”
Si Agat ay isa ring contract artist ng GMA Records at maglalabas ng sarili niyang album na pinamagatang ‘Every Moment’ sa September 20.
Maliban sa ‘Rescue Me,’ siya rin ang nagsulat ng ‘Wish I May’ mula sa naunang album ni Alden. Siya rin ang composer ng mga kanta ni Julie Anne San Jose na ‘I’ll Be There’ mula sa kanyang unang album, ‘Right Where You Belong’ mula sa kanyang ikalawang album, at ‘Chasing the Light’ mula sa kanyang latest album. Composition din ni Agat ang theme song ng Koreanovela na My Name is Kim Sam Soon na ‘Maybe It’s You.’
MORE ON AGAT OBAR-MORALLOS:
WATCH: Official music video of Alden Richards’ ‘Wish I May’
Sing-along with the Stars: ‘I'll Be There’ by Julie Anne San Jose