Julie Anne San Jose, ibinahagi ang mensahe ng kanyang 'Chasing the Light' album
Ani Julie, ang kanyang ‘Chasing the Light’ album ay umiikot sa tema ng pag-asa.
Hindi lamang ang maturity ng tunog at kanta ni Julie Anne San Jose ang tampok sa ‘Chasing the Light’ dahil may dala rin siyang mensahe sa kanyang ikatlong album under GMA Records.
Ani Julie, ang kanyang ‘Chasing the Light’ album ay umiikot sa tema ng pag-asa.
Paliwanag niya, “‘Yung ‘Chasing the Light’ kasi parang may mga punto sa buhay natin na, alam mo ‘yun, nasa dilim lang tayo tapos parang sobrang dami nating problema, tapos parang nawawalan na tayo ng pag-asa. Eh ‘di ba usually pagka ganito, gusto natin malutas lahat and gusto nating hanapin ‘yung liwanag.”
Dahil daw dito kaya rin napili ang kantang ‘Chasing the Light’ bilang carrier single ng kanyang album.
“Sa lahat ng mga kanta dito, ito ‘yung pinaka-inspirational sa lahat, ‘yung ‘Chasing the Light.’ It doesn’t talk about just one person pero para din siya sa lahat, like para sa family mo, sa loved ones mo, para sa mga taong sumusuporta sa’yo,” patuloy niya.
MORE ON JULIE ANNE SAN JOSE:
MUST-READ: Julie Anne San Jose, humugot sa heartbreak para sa 'Naririnig Mo Ba?'
READ: Julie Anne San Jose, mala-Hollywood daw ang peg para sa 'Chasing the Light' album
BEHIND THE SCENES: Julie Anne San Jose's 'Naririnig Mo Ba?' music video