EXCLUSIVES

Aisaku Yokogawa, inspired by AlDub sa kanyang unang single

Published On: September 15, 2015, 11:54 AM
Ang kauna-unahang single ni Aisaku Yokogawa, ang ‘Whogoat Christmas,’ ay AlDub-inspired. 
By CHERRY SUN

PHOTO BY GMA RECORDS
 
Ngayong September 15, ay maaari nang mapakinggan ang kauna-unahang single ni Aisaku Yokogawa, ang ‘Whogoat Christmas.’ Ayon pa sa pure Japanese na GMA Records artist, bahagi ang tambalang AlDub sa kanyang inspirasyon para sa kanyang original composition.
 
 
Kuwento ni Aisaku, kabilang siya sa milyon-milyong Pilipino na sumusabaybay kina Alden Richards at Yaya Dub. Itinuturing din niya ang sarili niyang isang certified AlDub fan.
 
“Actually, isa sa mga naging inspiration ko for the song na ‘yan is AlDub. May mga lines ako d'yan na kinuha from AlDub eh,” sambit nito.
 
Tumatatak daw kay Aisaku ang mga kinahuhumalingan sa Pilipinas.
 
Aniya, “‘Yung mga trending things sa Philippines, ‘yung mga hashtag na nagte-trend parati is so unique and nakakatawa, catchy. I think [‘yun] nakapagbigay-tulong sa akin in molding my personality.”
 
“At the same time ‘yung sa mga song compositions ko, ang daming mga ideas [na napagkukuhaan] eh. Umaapaw ang ideas sa Internet sa Philippines eh,” dagdag niya.
 
Ito rin daw ang nais matutunan ni Aisaku para sa kanyang pagsusulat ng mga kanta.
 
“Like other composers –writers, nakakatawa mga songs nila. Hindi lang nakakatuwa, hindi lang relaxing. Nakakatawa pa, may humor sila. I want to learn that kind of composition writing,” bahagi nito. 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->