Arra San Agustin, nagpapasalamat sa mainit na suportang natatanggap sa 'Hanggang Dito Na Lang'
Ang "Hanggang Dito Na Lang" ang debut single ni Arra San Agustin under GMA Playlist.
Hindi makapaniwala si Kapuso actress Arra San Agustin sa mainit na suportang natatanggap para sa kauna-unahan niyang single, ang "Hanggang Dito Na Lang."
Noong July 29 inilabas ang debut single ni Arra, na agad na pumangalawa sa iTunes Philippines at napasama sa New Music Friday playlist ng Spotify Philippines.
Sa kaparehong araw, nag-trending din sa Twitter Philippines ang "ArraSanAgustin New Single," "Hanggang Dito Na Lang Out Now," at ang hashtag na "HanggangDitoNaLangArra" na mayroong mahigit 4,530 tweets.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ipinarating ni Arra ang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa "Hanggang Dito Na Lang."
"Hindi ko na-imagine 'yung sarili ko na makikita ko riyan. I'm overwhelmingly grateful. Sobrang hindi ako makapaniwala na nangyari 'yun. I'm really happy and sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sumuporta, na-appreciate ko ang bawat isa sa inyo," masayang sabi ng aktres.
Sa interview, ibinahagi rin ni Arra ang paboritong linya sa kanyang kanta, "Hanggang dito na lang tadhanang kinulang. Sa kuwento't pahinang isusulat para sa 'ting dalawa."
"I think 'yun 'yung core ng buong song, 'yung first two lines of the chorus. And I love the melody. Gusto ko 'yung tunog ng chorus na 'yun, so that's my favorite, and iyon 'yung pinakamapanakit ng damdamin kasi iyon 'yung parang realtalk 'e, hanggang dito na lang," sabi ni Arra.
Ang "Hanggang Dito Na Lang" ay isinulat ni Roxanne Fabian. Patuloy itong mapapakinggan sa iTunes, Apple Music, Spotify, at sa iba pang digital music streaming platforms worldwide.
TINGNAN ANG PRETTIEST PHOTOS NI ARRA SAN AGUSTIN DITO: