EXCLUSIVES

Mariane Osabel and Vilmark Viray
GMA Music

'The Clash 2021's' Mariane Osabel and Vilmark Viray sign contract with GMA Music

By Jansen Ramos
Published On: March 3, 2022, 4:53 PM

Opisyal na recording artist na ng GMA Music ang 'The Clash 2021' top two na sina Mariane Osabel and Vilmark Viray.

Opisyal nang miyembro ng GMA Music family ang The Clash 2021 finalists na sina Mariane Osabel at Vilmark Viray matapos pumirma ng recording deal sa flagship record company ng GMA Network.

Sa isang virtual contract signing ngayong Huwebes, March 3, winelcome sila ni GMA Music Officer-in-charge and Marketing Services Manager Michelle Reyes, GMA Music Artists and Repertoire Manager Kedy Sanchez, at GMA Music Artists and Repertoire Officer and In-house producer Paulo Agudelo.

Mensahe ni GMA Music officer na si Michelle Reyes kina Mariane at Vilmark, "We're very excited to have Mariane and Vilmark in our growing roster sa aming GMA Music family and, right now, we are looking for songs na babagay sa kanila and we'll give them justice. Alam mo naman very talented 'yung mga 'yan e, kaya congratulations to Mariane and Vilmark."

Nagpakita rin ng suporta sina GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, Sparkle GMA Artist Center Consulting Head for Talent Imaging and Marketing Lawrence Tan, at Sparkle GMA Artist Center Senior Talent Manager Vic Del Rosario.

 

 

Ayon kay Mariane, hindi niya sasayangin ang oportunidad na ibinigay sa kanya matapos siyang tanghaling panalo sa The Clash 2021. Bago pumirma ng kontrata sa GMA Music, pumirma ng management deal si Mariane, gayundin si Vilmark, sa Sparkle bilang parte ng kanilang prize package.

 

Ani ng reigning The Clash winner, "Sobrang blessed and overwhelmed kasi sunud-sunod po kasi parang ang bilis. Parang sabi ko, 'grabe nangyayari na 'yung pangarap ko talaga ever since no'ng bata pa 'ko so sobrang happy po ako ngayon.

"Sobrang determined po ako at gigil po ako dahil ito po talaga 'yung dream ko. Now it has come true, 'di ko po talaga pababayaan na ma-stop na lang. Basta po ako ngayon sobrang excited po ako and looking forward po 'ko sa iba pang mga projects na bibigay sa 'kin saka game lang po talaga 'ko kung ano man ang ibigay sa 'kin ngayon."

Hindi naman pinalampas ni Vilmark ang pagkakataong maibahagi ang kanyang talento sa mas malawak na platform kahit pa kasalukuyan siyang nagpa-practice ng pagka-inhinyero. Licensed electronics engineer si Vilmark.

Ika niya, "To be honest, sobrang rare po ng opportunity na 'to. Nasa isip ko lagi na ang daming may gusto kung nasaan kami ngayon pero sa amin binigay.

"Ayoko pong i-waste 'yung chance. Lagi kong sinasabi na 'yung pagiging engineer palaging nandiyan. I mean, 'yung license ko 'di naman mananakaw sa 'kin pero 'yung opportunity po na 'to bilang fresh pa at mainit pa 'yung pagtanggap ng mga tao sa 'kin, ayoko pong sayangin 'yung opportunity given na sobrang gustong-gusto ko po 'yung pagkanta."

Sa ngayon, parte ng weekly variety show na All-Out Sundays sina Mariane at Vilmark. 

Nai-release na rin ng GMA Music ang competition piece nina Mariane at Vilmark sa finale ng The Clash 2021 na parehong original composition mula sa The Clash Songwriting Challenge. 

Sa panayam sa GMA exec na si Gigi Santiago-Lara, ibinahagi niya ang future plans pa ng Sparkle para sa dalawang talented singers.

Pahayag niya, "Ang plan right now is to further their musical careers. They are now both in All Out Sundays, they are both regular part of the cast so we're very happy and excited about that and meron na silang single na mga na-release na since they made it to the top of the The Clash and we're working on new material for them."

Samantala, narito ang iba pang new young and talented stars na dapat abangan ngayong 2022:

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->