Power Diva Jessica Villarubin magpapakitang-gilas sa "Ako Naman"
Patunay na unti-unti nang naaabot ng The Clash Season 3 grand champion at Power Diva na si Jessica Villarubin ang kaniyang mga pangarap matapos ilunsad ang kanyang kauna-unahang single under GMA Music na “Ako Naman.”
Patunay na unti-unti nang naaabot ng The Clash Season 3 grand champion at Power Diva na si Jessica Villarubin ang kaniyang mga pangarap matapos ilunsad ang kanyang kauna-unahang single under GMA Music na “Ako Naman.”
Malapit sa puso ni Jessica ang awiting ito -- na isinulat ng Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista -- dahil isinasalamin daw nito ang naging journey niya mula sa pagiging isang simpleng Cebuana na nangarap hanggang sa naging isa na siyang opisyal na Kapuso performer. Ang kanta ring ito ang victory song niya sa grand finals ng The Clash.
“I’m so grateful talaga na may kanta na ako at composed pa ni Sir Christian. I feel happy and blessed po sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Sa kantang ito, mararamdaman ng listeners 'yung mga pinagdaanan ko at kung paano ako pinalakas nito. Sana marami rin ang ma-inspire ng ‘Ako Naman’.”
Dagdag ni Jessica, nabago ng husto ang kaniyang buhay matapos sumali sa all-original musical competition ng GMA Network. Baon niya ang iba’t ibang life lessons na tiyak makakatulong sa kaniyang pag-unlad sa industriya, “Marami akong natutunan sa The Clash, especially from the panel, kung saan ako dapat mag-improve sa singing ko. Also, ‘yung friendship na nabuo namin doon, lahat ng learnings from the voice coaches, ang dami ko pong natutunan sa kanila, kung paano pa pagandahin ‘yung pagkanta ko, at ‘yung discipline. Higit sa lahat, natutunang ko kung paano makisama sa mga taong nakapaligid sa 'yo.”
Pinasalamatan din niya ang lahat ng kaniyang mga fans na walang sawang sumusuporta sa kaniyang talento, “I’m very thankful po sa mga taong sumusuporta sa akin, especially po sa mga Cebuano, grabe po ‘yung suporta na ibinahagi nila. I’m forever thankful po talaga sa lahat kasi hindi ko po inexpect na may mga tao po talagang nagmamahal sa akin and ipinagdarasal po ‘yung career ko, thank you po sa inyong lahat.”
Mapapakinggan na ang “Ako Naman” sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital streaming platforms worldwide.