Kyline Alcantara at kapwa GMA Music artists, tampok sa Bayanihan Musikahan
Handog ng GMA Music talents na sina Kyline Alcantara, Kristoffer Martin, Golden Cañedo, at Garrett Bolden ang kanilang talento para tumulong sa gitna ng COVID-19 crisis.
Katuwang ng Bayanihan Musikahan ang GMA Music sa pagtulong sa ating mga kababayan ngayong may COVID-19 crisis.
Mapapanood sa Lunes, May 25 ang GMA Music artists na sina Kyline Alcantara, Kristoffer Martin, Golden Cañedo at Garrett Bolden bilang bahagi ng Bayanihan Musikahan.
Ang tinaguriang GMA Music night ay magbubukas sa pamamagitan ng performance ni Golden ng 6 P.M.
Susundan naman siya ng performance ni Kristoffer ng 6:30 P.M., ni Garrett ng 7 P.M., at ni Kyline ng 7:30 P.M.
Ang kanilang performances ay live na mapapanood sa GMA Network Facebook page.
Ang Bayanihan Musikahan ay isang online live concert series na nabuo sa pangunguna ng National Artist for Music na si Maestro Ryan Cayabyab. Hangarin nitong makalikom ng donasyon para sa mga kababayang pinaka-apektado ngayon ng krisis na dulot ng COVID-19 outbreak.
Ilang Kapuso artists na rin ang naging bahagi nito tulad nina Ken Chan at Rita Daniela, at Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.