EXCLUSIVE: Revival ni Jeric Gonzales ng kantang "Line To Heaven," aprubado ni Paco Arespacochaga
Aprubado mismo ng Introvoys drummer at composer na si Paco Arespacochaga ang ginawang revival ni Jeric Gonzales sa hit song na “Line To Heaven.” Ang kanta ang ikalawang single ng Kapuso actor-singer sa GMA Music.
Aprubado mismo ng Introvoys drummer at composer na si Paco Arespacochaga ang ginawang revival ni Jeric Gonzales sa hit song na “Line To Heaven.”
Ang kanta ang ikalawang single ng Kapuso actor-singer sa GMA Music.
Kasunod ng tagumpay ng kanyang unang single na “Taksil,” isang bagong awitin ang handog ni Jeric, ang “Line To Heaven” na unang pinasikat ng Introvoys.
Bungad ni Jeric sa exclusive interview ng GMANetwork.com, “Sobrang grateful ‘tsaka happy kasi it’s a dream come true na makapag-release ng single then eventually sana album na.
“I’m so happy na lumabas na ‘to kasi pinaghirapan talaga rin namin ‘to, itong ‘Line To Heaven.’
“It’s a great music coming from Introvoys siyempre before. It’s a revival pero it’s a great music.
“I’m happy na ako ‘yung binigyan nila ng chance and opportunity para kumanta nito.”
Kuwento ni Jeric, nagmula raw ang ideya mismo kay Paco at siya ang napiling muling buhayin ang ‘90s hit song.
“Alam ko na ‘yung ‘Line To Heaven’ and then my manager, sinabi niya sa akin na Paco, Paco Arespacochaga, the drummer of Introvoys and the composer, parang nag-a-ask siya na kung gusto ko raw i-revive ‘yung ‘Line To Heaven.’
“So nagulat ako, siyempre, na-surprise ako kasi alam ko ‘yung kanta and alam ko kung gaano ka-hit ‘yun noong ‘90s.
“So sabi ko, siyempre naman gustong-gusto ko. It’s an honor na kantahin ‘yan,” patuloy niya.
Kahit isang revival ang kanyang ikalawang single, sinigurado naman ng GMA Music artist na bigyan ito ng sarili niyang interpretasyon.
Aniya, “Medyo pinabilis namin ‘yung kanta, ginawa naming alternative.
“Alternative rock kasi mahilig talaga ako sa mga banda.
“Nagbabanda ako before, high school and college. Naggigitara ako and band instruments so naisip namin na i-associate ‘yun doon.
“Since medyo mabagal ‘yung unang version, ngayon medyo upbeat kaya kung mapapansin mo, sad song siya pero pag narinig mo ‘yung beat, hindi mo mapapansin na sad song.
“Sa meaning na lang and ‘pag narinig mo na lang ‘yung lyrics, ‘tsaka mo lang malalaman na sad song siya.”