Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement
Noong nakaraang buwan, natunghayan natin ang kuwento ng tubong Samar na si Athena, ang batang may malaking bukol sa leeg. Dalangin ng kanyang mga magulang ang ma-operahan ang anak para magkaroon ng normal na buhay. Ang magandang balita, ang kanilang gabi-gabing ipinagdarasal, nasagot na! Read more
Hindi matatawaran ang sakripisyo ng ating mga medical frontliner, lalo ngayong patuloy ang pagsipa ng kaso ng COVID-19. Doble dagok pa kung pati ang mismong sarili at pamilya, tamaan din ng sakit at malagay sa panganib. Bilang suporta at pagkilala sa kabayanihan ng ating health care workers, panibagong bugso ng tulong ang ating ipinamahagi sa mga pampublikong ospital sa Metro Manila. Read more
Sa tulong ng GMA Kapuso Foundation, tuloy tuloy ang paggaling ng isang batang may cancer. Read more
Sa murang edad, mabigat na pagsubok agad ang pasan-pasan ng mga batang may cancer, gaya ng nakilala naming si Debby. Ngunit sa panahong gusto na niyang sumuko at bumitaw, muling nanumbalik ang pag-asa niya sa buhay. Dahil sa inyong suporta sa programang "Kapuso Cancer Champions" ng GMA Kapuso Foundation, unti-unti niyang kinakaya at ngayo'y patuloy na lumalaban. Read more
Nagpapatuloy sa pamamahagi ng protective supplies ang GMA Kapuso Foundation sa mga pampublikong ospital sa Metro Manila. Read more
Ilang pampublikong ospital sa Metro Manila, muling binigyan ng libu-libong protective supplies kontra COVID-19 Read more
Sinubaybayan ng GMA Kapuso Foundation ang kondisyon ni Francis Mendoza, isang batang may kakaibang sakit sa balat. Read more
Mga Kapuso, natatandaan n'yo pa ba ang kuwento ni Francis Mendoza, na sa napakamurang edad ay ininda na ang kakaibang sakit sa balat? Sa inyong tulong at suporta sa GMA Kapuso Foundation, matagumpay natin siyang naipagamot at napanumbalik ang sigla. Makalipas ang ilang taon, muli nating binisita si Francis, na unti-unti na ngayong inaabot ang mga pangarap niya sa buhay. Read more
3,200 tao sa Caloocan ang hinatiran ng grocery packs at iba pang mga regalo bilang pagdiriwang sa kaarawan ni Mel Tiangco. Read more
Pusong handang dumamay at tumulong sa kapwa. 'Yan ang palaging bitbit sa serbisyo ng purok lider ng isang barangay sa Caloocan City. Ang itinuturing niyang inspirasyon... walang iba kundi ang hinahangaang si Mel Tiangco, na marami nang natulungan sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation. At sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan, ang Kapuso nating si Mel po mismo ang may handog na regalo para sa libu-libong nangangailangan. Read more
Muling namahagi ng protective supplies ang GMA Kapuso Foundation sa mga pampublikong ospital sa Metro Manila. Read more
May kanya-kanya mang laban sa buhay, tuluy-tuloy pa rin ang serbisyo ng ating frontliners. Gaya ng isang doktor na humugot ng lakas sa mga alaala ng kanyang kapatid, na kabilang sa mga bayaning nurse na namatay ngayong pandemya. Dahil nahaharap sa mas mabigat na laban ang ating health care workers, muli tayong naghatid ng tulong sa mga pampublikong ospital sa Metro Manila. Read more
Inilapit ng isang concerned citizen sa GMA Kapuso Foundation ang isang bata na ilang taon nang hirap dahil sa paglaki ng kanyang dila. Read more
6-anyos na batang may malaking dila, nangangailangan ng tulong para sa kanyang gamutan at operasyon Read more
Nagtanim ang GMA Kapuso Foundation ng native at fruit-bearing trees para makatulong sa pagbangon ng mga nasalanta ng bagyong Rolly sa Catanduanes. Read more
advertisement
Pagyabong ng kalikasan at kaalaman sa kahandaan. 'Yan ang target nating anihin sa ating "Kapuso ng Kalikasan" project, na kamakaila'y isinagawa sa mga lugar na pinadapa ng bagyo sa Catanduanes. Matagumpay nating itinanim ang daan-daang binhi, para sa masagana at mas ligtas na kabuhayan ng mga residente. Read more
Tatlong pinatibay ng classrooms ang inihandog ng GMA Kapuso Foundation sa Mabini Elementary School sa Panganiban, Catanduanes. Read more
3 Kapuso classroom, handog ng GMA Kapuso Foundation sa mga mag-aaral at guro ng MabinI Elementary School Read more
Pitong classrooms ang nai-turnover na ng GMA Kapuso Foundation sa Palta Elementary School sa Virac, Catanduanes. Read more
Ang matatayog na pangarap ng mga mag-aaral ng Palta Elementary School sa Virac, Catanduanes, ngayo'y mas magiging abot-kamay na! Bilang pagtupad sa pangako ng GMA Kapuso Foundation na ayusin ang eskuwelahan dahil sa pinsalang iniwan ng Bagyong Rolly, matagumpay nating naipagawa ang pitong matitibay na Kapuso classrooms, na bahagi ng ating "Kapuso SchooL Development" project. Read more