Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement
Hindi matatawaran ang dedikasyon ng ating mga guro, gaya ng nakilala namin sa Aurora na si Teacher Precious. Maliban kasi sa pagtuturo ng mga aralin, may mga panahong humuhugot na rin siya sa sariling bulsa para makatulong sa kanyang mga estudyante. Bilang suporta sa mga mag-aaral at mga gurong katulad niya, naghatid ang GMA KApuso Foundation ng mga kumpletong gamit pang-eskuwela. Read more
Kahanga-hanga ang sakripisyo ng ating mga medical frontliner, lalo ngayong pandemya. Tiniis nila ang hirap na mawalay sa pamilya, alang-alang sa serbisyo sa publiko. Kaya bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan, nagsagawa ng nationwide distribution ng mga protective supply ang GMA Kapuso Foundation noong kasagsagan ng COVID-19 surge sa iba't ibang probinsya. Sa tulong ng Philippine Army, dinala natin ang medical supplies sa iba't ibang pampublikong ospital sa Cebu, Davao, Iloilo, Bukidnon at Misamis Oriental. Read more
Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa 2,000 indibidwal sa Pangasinan na naapektuhan ng pandemya at bagyong Maring. Read more
Kasabay ng unti-unting pagbuhay ng ekonomiya ng bansa, unti-unti rin umuusbong ang pag-asa ng ilan nating kababayan para bumangon mula sa pandemya. Pero ang ilan nating kababayan sa San Fabian, Pangasinan, nahihirapan makabawi lalo't kabilang sila sa nasalanta ng Bagyong Maring nitong Oktubre. Sila ang tinungo ng GMA Kapuso Foundation para hatiran ng tulong. Read more
May kabuuan na 2,375 mag-aaral sa Palawan ang hinatiran ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation. Read more
Layunin ng GMA Kapuso Foundation na mapuntahan ang mga malalayong lugar para makapag-abot ng tulong sa ating mga kababayan. Bagama't ibang-iba ang sitwasyon ngayong may pandemya, hindi ito naging hadlang para makapaghatid tayo ng kumpletong gamit pang-eskuwela sa Palawan, na isa sa may mataas na kaso ng COVID-19 noong Hunyo. Ilan sa ating mga nahatiran ang mga katutubong Tagbanua. Read more
Ang Brgy. Umiray sa Dingalan, Aurora ang unang pinuntahan ng GMA Kapuso Foundation ngayong taon para sa Give A Gift: Alay sa Batang Pinoy. Read more
Ngayong palalapit na ang Pasko, simula na rin ang pamimigay natin ng maagang aguinaldo lalo na sa mga bata. Bahagi 'yan ng taunang "Give A Gift: Alay sa Batang Pinoy" Christmas project ng GMA Kapuso Foundation. Sa inyong tulong at suporta, sama-sama nating iparamdam sa bawat isa ang diwa ng pasko... kahit sa gitna ng pandemya. Read more
Ang 70-meter steel and concrete hanging bridge ay bahagi ng Kapuso Tulay Para sa Kaunlaran project ng GMA Kapuso Foundation. Read more
Sa ilang beses nating pagpunta sa Barangay Umiray sa Dingalan, Aurora, nasaksihan natin ang hirap at sakripisyo ng mga residente tuwing tatawid sa ilog makapunta lang sa trabaho o eskuwela. Read more
Hangad ng GMA Kapuso Foundation na masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan at makatulong para sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan. Kamakailan, matagumpay nating naipatayo at pormal nang binuksan sa Dingalan, Aurora ang ika-anim na "Kapuso Tulay para sa Kaunlaran Project" sa bansa. Ang bago at matibay na tulay na 'yan, hatid ang bagong simula at pag-asa sa mahigit 4,000 residente. Read more
May halong kaba at takot ang mga residente ng Barangay Umiray sa Dingalan, Aurora tuwing tatawid daw sila sa hanging bridge ng kanilang barangay. Gawa kasi ito sa kahoy at hindi na matibay. Doble pangamba pa tuwing umuulan o may bagyo. Kaya minsan lakas-loob nalang nilang tinatawid and ilog. Pero ang pangambang iyan, mapapalitan na ng bagong pag-asa. Read more
Nagpagawa ang GMA Kapuso Foundation ng water pump system at handwashing stations sa Palta at Mabini Elementary School sa Catanduanes. Read more
Mga Kapuso, hindi po natatapos sa pagpapa-ayos at pagpapatayo ng mga eskwelahan sa proyekto ng GMA Kapuso Foundation na "Kapuso School Development." Adhikain din natin na masigurong malinis at ligtas ang mga paaralan, lalo na ngayong nasa gitna pa rin tayo ng pandemya. Kaya muli tayong bumalik sa ating Kapuso Schools sa Catanduanes para maglagay ng mga water system at handwashing station. Read more
May 803 na mag-aaaral sa Dinapugue, Isabela ang hinatiran ng school supplies, hygiene kits, at cloth face masks ng GMA Kapuso Foundation. Read more
advertisement
Mahigit isang taon na tayong nasa online at modular learning, pero may ilang lugar pa rin sa bansa na hirap sa internet signal, gaya ng Dinapigue sa Isabela. Pero imbes na maging hadlang sa pagtuturo ng mga guro, umisip sila ng solusyon para makasabay at hindi mapag-iwanan ang mga estudyante. At para lalong ganahan ang mga bata sa pag-aaral, handog ng GMA Kapuso Foundation ang school supplies na bahagi ng ating "Unang Hakbang sa Kinabukasan Project". Read more
Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa 3,100 taong naapektuhan ng bagyong Maring sa Benguet. Read more
Muli tayong namahagi ng relief goods at iba pang tulong sa libo-libong naapektuhan ng bagyo sa Benguet, bilang bahagi pa rin ng ating Operation Bayanihan sa Northern Luzon. Para po sa Benguet LGU, natanggap po namin ang inyong pagkilala at pasasalamat sa GMA Kapuso Foundation. Pero ang lahat ng ito'y hindi maisasakatuparan kung hindi dahil sa tulong at suporta ng ating partners, donors at sponsors. Read more
Muling naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga vegetable farmers na nasalanta ng bagyong Maring sa Benguet. Read more
Mga Kapuso, tuluy-tuloy ang pamamahagi natin ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Maring sa Northern Luzon, lalo na sa bahagi ng Benguet. Kabilang diyan ang isang ilaw ng tahanan, na mag-isa nang kumakayod para sa pamilya. Pero ang mismong pinagkukunan niya ng kabuhayan, pinadapa at hindi pinalagpas ng masamang panahon. Read more