GMANetwork.com - Foundation - Home of the Kapuso Foundation

This is the official website of the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.


GMA Kapuso Foundation, nai-turnover na ang bagong classrooms para sa Magallanes Elementary School

Sep 6, 2022
gma kapuso foundation

Magagamit na rin ang bagong classrooms na ipinagawa ng GMA Kapuso Foundation para sa Magallanes Elementary School sa Limasawa Island. Read more


19-Anyos na dalagang iniinda ang lumalaking bukol sa anit, nangangailangan ng tulong | 24 Oras

Sep 5, 2022
Kapuso Foundation

Dahil sa hirap ng buhay, hindi na nagawang maipagamot ng isang dalagang aming nakilala ang iniinda niyang problema sa anit. Nagsimula lang daw lahat sa simpleng butlig hanggang sa lumala at naging lumalaking bukol. Dumulog sa GMA Kapuso Foundation ang kanyang kapatid, kaya't agad natin siyang dinala at ipinatingin sa doktor. Read more


Libreng arm & hand prosthesis, ipinamahagi ng GMA Kapuso Foundation

Sep 2, 2022
GMA Kapuso Foundation

Naputulan man ng braso, hindi tumigil sa pagbabanat ng buto ang tinderong nakilala natin mula sa lalawigan ng Quezon. Isa siya sa mga nabigyan ng libreng arm and hand prosthesis ng GMA Kapuso Foundation. Bukod pa 'yan sa ipinamahagi rin nating strollers, pediatric, at standard wheelchairs sa ilan pa nating Kapuso sa lungsod naman ng Dumaguete. Read more


Mga Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Magallanes Elementary School sa Limasawa Island, magagamit na ngayong face-to-face classes

Aug 31, 2022
GMA Kapuso Foundation

Hunyo ngayong taon nang magtungo ang GMA Kapuso Foundation sa Limawasa Island para umpisahan ang pagpapagawa ng ilang silid-aralan na sinalanta ng bagyo. Makalipas ang mahigit dalawang buwan, matagumpay nating naipatayo ang matitibay na "Kapuso Classrooms", na sakto naman para sa pagbabalik ng face to face classes! Hindi po ito maisasakatuparan kung hindi dahil sa inyong mga donasyon at sa pagtutulungan ng ating mga sponsors , donors at partners.   Read more


GMA Kapuso Foundation, nagsagawa ng vitreo-retina screening sa Cabanatuan

Aug 30, 2022
GMA Kapuso Foundation

Nagsagawa ng vitreo-retina screening sa Cabanatuan ang GMA Kapuso Foundation at partners nito bilang pakikiisa sa Sight Saving Month. Read more


GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mga apektado ng bagyong Florita sa Cagayan

Aug 30, 2022
GMA Kapuso Foundation

Naghatid ng relief goods at mga gamot ang GMA Kapuso Foundation sa mga naapektuhan ng bagyong Florita sa Cagayan. Read more


GMA Kapuso Foundation at mga partner nito, nagsagawa ng vitreoretina screening bilang pakiki-isa ngayong sight saving month

Aug 29, 2022
GMA Kapuso Foundation

Ang sakit na diabetes, posibleng magdulot ng ilang komplikasyon gaya ng panlalabo ng mga mata na kung hindi maagapan ay maaaring mauwi sa pagkabulag. 'Yan ang isa sa mga gusto nating maagapan at bigyang-pansin ngayong 'Sight Saving Month.' Kaya sa tulong ng ating partners, handog ng GMA Kapuso Foundation ang libreng screening sa mga taga-Cabanatuan City, para masigurong ligtas ang kondisyon ng kanilang mga mata. Read more


Mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Florita sa Cagayan, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

Aug 26, 2022
GMA Kapuso Foundation

Malaking dagok para sa maraming taga-Cagayan ang pinsalang iniwan ng Bagyong Florita. Ang mga taniman ng mais at palay kasi na isa sa mga pangunahin nilang pinagkukunan ng kabuhayan, pinadapa ng bagyo at ngayo'y hindi na mapakinabangan. Kaya sa pagpapatuloy ng ating operation bayanihan, libu-libo ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation. Read more


GMA Kapuso Foundation, agad na nagtungo sa Isabela para maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Florita

Aug 25, 2022
GMA Kapuso Foundation

Batid ng GMA Kapuso Foundation na tuwing may dumaraan na bagyo o anumang kalamidad sa ating bansa, pagkain ang pangunahing kailangan ng ating mga kababayan. Gaya na lamang sa Maconacon, Isabela, kung saan unang nag-landfall ang Bagyong Florita. Kaya naman, kahit pa kasagsagan ng pag-ulan agad po tayong nagtungo doon para maghatid ng relief goods sa higit 1,000 residenteng naapektuhan. Read more


GMA Kapuso Foundation, magpapatayo ng bagong classrooms sa Surigao del Norte

Aug 25, 2022
GMA Kapuso Foundation

Magpapatayo ang GMA Kapuso Foundation ng bagong classrooms para sa Baybay Elementary School sa Burgos, Surigao del Norte. Read more


GMA Kapuso Foundation, magtatayo ng mga silid-aralan sa Surigao del Norte

Aug 24, 2022
GMA Kapuso Foundation

Isa sa mga nasira nang humagupit ang Bagyong Odette noong nakaraang taon ay mga eskwelahan sa Surigao del Norte. At hanggang ngayon na nagsimula na ang klase, wala pa ring maayos na silid-aralan ang mga batang Siargaonon. Pero dahil po sa tulong ng ating mga donors at sponsors, ang GMA Kapuso Foundation ay magtatayo ng mga matitibay na silid-aralan doon. Read more


GMA Kapuso Foundation, naghatid ng school supplies sa mga mag-aaral ng Lanao del Norte

Aug 23, 2022
GMA Kapuso Foundation in Lanao del Norte

Mahigit 1,000 mag-aaral sa kinder at grade 1 ang nabigyan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation sa Kolambogan, Lanao del Norte. Read more


GMA Kapuso Foundation namigay ng mga school supplies sa mahigit 1,000 na kinder at grade 1 students sa Lanao del Norte

Aug 22, 2022
GMA Kapuso Foundation

Sa pagpapatuloy ng unang hakbang sa kinabukasan project, isa sa pinuntahan ng GMA Kapuso Foundation ang Lanao del Norte. Kung saan higit isang libong mag-aaral sa kinder at grade one ang nahandugan ng kumpletong gamit pang eskwela. At kahit nagsimula na po ang face-to-face classes, hindi po tumitigil ang GMA Kapuso Foudation sa pag-iikot mula Luzon, Visayas at Mindanao para magbigay ng mga school supplies sa mga mag-aaral na nangangailangan. Read more


Premature baby mula Tarlac na tinulungan ng GMA Kapuso Foundation, malusog at mag-aaral na ngayong pasukan

Aug 19, 2022
GMA Kapuso Foundation

Mga Kapuso, naaalala niyo pa ba si Kim Mhira ang tinawag na miracle baby ng Tarlac? Ang sanggol na ipinanganak na premature na inilapit sa GMA Kapuso Foundation noong 2017 na atin ding tinulungan at sinubaybayan hanggang siya ay maging malakas. Ngayong limang taong gulang na siya, muli natin siyang binalikan at kinamusta. Read more


Lalaking may bukol sa maselang bahagi ng katawan, humingi ng tulong sa GMA Kapuso Foundation

Aug 18, 2022
GMA Kapuso Foundation

Humingi ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang lalaking tinubuan ng malaking bukol sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Read more

advertisement


GMA Kapuso Foundation, ipinasuri at binigyan ng bagong salamin ang isang tricycle driver at kanyang misis

Aug 18, 2022
GMA Kapuso Foundation

Ngayong Sight Saving Month, ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation at binigyan pa ng bagong salamin ang isang tricycle driver at ang kanyang misis. Read more


Bagong tulay, ipapagawa ng GMA Kapuso Foundation sa Sogod, Southern Leyte

Aug 18, 2022
GMA Kapuso Foundation

Magpapatayo ng bagong tulay ang GMA Kapuso Foundation sa Sogod, Southern Leyte. Ito ang ika-pitong tulay sa ilalim ng Kapuso Tulay sa Kaunlaran project. Read more


Lalaking may malaking bukol sa maselang bahagi ng kaniyang katawan, humihingi ng tulong

Aug 15, 2022
GMA Kapuso Foundation

Isang binatilyo ang tinubuan ng mga kulugo at ang maselang bahagi ng kaniyang katawan tinubuan naman ng malaking bukol. At ayon sa isang espesyalista positibo siya sa HIV, at mayroon din siyang human papillomavirus o HPV infection. Dahil po sa kaniyang maselang kondisyon, minabuti naming itago ang kanyang pagkakakilanlan. Read more


Tricycle driver at kaniyang misis, ipinasuri sa ophthalmologist at binigyan ng bagong salamin ng GMA Kapuso Foundation

Aug 12, 2022
GMA Kapuso Foundation

Ngayong Sight Saving Month, nakikiisa po kami sa layuning mabigyang-linaw ang halaga ng "eye care" at maagapan ang anumang problema sa ating mga mata. Gaya ng panlalabo ng paningin, na nagpapahirap ngayon sa isang haligi ng tahanan na 15 taon nang binubuhay ang pamilya sa pamamasada. 'Yan ang idinulog ng kanyang anak sa GMA Kapuso Foundation na agad namang tumugon at binigyang-katuparan ang simpleng hiling para sa kanyang ama. Read more


GMA Kapuso Foundation, naghandog ng libreng eyeglasses sa mga mag-aaral at magulang sa Navotas

Aug 11, 2022
GMA Kapuso Foundation

Ang proyektong ito bahagi ng pagdiriwang ng Sight Saving Month at pati na rin ang kaarawan ni GMA Kapuso Foundation founder and ambassador Mel Tiangco. Read more