Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement
Nag-abot ang GMA Kapuso Foundation ng tulong sa 12,000 indibidwal na apektado ng bagyong Paeng sa Camarines Sur, Antique at Maguindanao. Read more
Malaking dagok para sa mga magsasaka sa bayan ng San Jose sa Antique ang iniwang pinsala ng Bagyong Paeng sa kanilang mga sakahan. Ang ilan sa kanila, pilit na isinasalba ang mga pananim na puwede pang mapakinabangan. Kabilang sila sa mga hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa Antique. Read more
Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation para sa 1,000 pamilyang apektado ng bagyong Paeng sa Patnongon, Antique. Read more
Isa sa mga higit na napinsala ng Bagyong Paeng ang probinsya ng Antique. Ang ilang residente roon, nanumbalik ang takot dahil ngayon lang daw ulit sila nakaranas ng ganoon kalakas na bagyo matapos ang Bagyong Frank noong 2008. Sa pagpapatuloy ng "Operation Bayanihan" ng GMA Kapuso Foundation, sila naman ang hinatiran natin ng tulong. Read more
Bukod sa mga pinatumbang kabuhayan at ari-arian, takot ang iniwan ng pagbahang dulot ng Bagyong Paeng sa ilang residente ng Nabua sa Camarines Sur. Kabilang sila sa mga nahatiran ng tulong sa nagpapatuloy na "Operation Bayanihan" ng GMA Kapuso Foundation. Sa ngayon, mahigit 12,000 indibidwal na ang nahatiran natin ng tulong sa Camarines Sur, Antique at Maguindanao. Read more
Dahil sa malakas na bugso ng hangin at ulan dulot ng Bagyong Paeng, maraming lugar ang binaha gaya sa cavite at Camarines Sur. Agad na umaksyon ang GMA Kapuso Foundation at nagsagawa roon ng feeding program at naghandog ng food packs para sa mga nasalantang residente. Read more
Sa ngalan ng edukasyon, handang magsakrispisyo ang magkakapatid na ating nakilala sa Ifugao. Maaga silang natutong magtrabaho para lang mapag-aral ang kanilang kapatid. Pero dahil sa hirap ng buhay, kapos at nahihirapan silang makabili ng gamit pang-eskwela. Ating isinakatuparan ang hiling ng kanilang tiyahin na sumulat sa GMA Kapuso Foundation. Read more
Para sa pangarap na magandang kinabukasan, todo kayod ang isang ina na nakilala namin sa Sultan Kudarat. Hindi alintana ang hirap at pagod sa pagtatapas ng tubo o sugar cane para maibigay ang pangangailangan ng anak lalo na sa pag-aaral. Kabilang ang kanyang anak sa higit 4,000 estudyanteng nahandugan natin ng kumpletong gamit pang eskwela mula sa Sultan Kudarat at Sarangani. Read more
Nagsagawa ang GMA Kapuso Foundation ng bloodletting project sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas kasama ang Philippine Military Academy. Read more
Naghatid ng school supplies ang GMA Kapuso Foundation sa mahigit 2,000 estudyante sa Dinagat Islands na naapketuhan ng bagyong Odette. Read more
Layong makapagbigay ng kumpletong gamit pang-eskwela ng GMA Kapuso Foundation sa iba't ibang sulok ng Pilipinas, lalo na sa mga lugar na pinatumba ng kalamidad. Kaya tinawid natin ang Dinagat Islands na kabilang sa mga matinding naapektuhan ng Bagyong Odette. Ang mga estudyante roon, determinado pa ring mag-aral kahit walang maayos na silid-aralan. Sila naman ang ating binigyan ng kumpletong gamit pang-eskwela. Read more
Malaki ang naging epekto ng COVID-19 sa pagbaba ng supply ng dugo sa mga blood bank, ayon sa Philippine Red Cross. At dahil marami pa ring pasyente ang nangangailangan ng blood transfusion araw-araw, patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa pagsasagawa ng "Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project" katuwang ang iba't ibang grupo. Sa kabuuan, nakalikom na tayo ng 942 blood bags. Maraming salamat po sa mga bayaning Kapusong nakiisa sa ating proyekto. Read more
Nagturo ang GMA Kapuso Foundation ng tamang paraan ng pagsisipilyo at paghuhugas ng kamay sa mga estudyante sa Tagkawayan, Quezon. Read more
Dala ng hirap ng buhay, marami sa ating kababayan ang hindi sapat ang kita kaya't hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ang wastong pangangalaga sa sariling katawan. Isa pa naman 'yan sa mabisang paraan para protektahan ang sarili laban sa COVID-19. Iyan ang tinugunan ng GMA Kapuso Foundation, sa ilalim ng 'Linis Lusog Kapusong Kabataan Project.' Mahigit 500 mag-aaral sa Tagkawayan, Quezon ang ating nahatiran ng tulong Read more
Nagpatayo ang GMA Kapuso Foundation ng tatlong bagong silid-aralan sa New Malangza Elementary School sa Liloan, Southern Leyte. Read more
advertisement
Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga apektado ng bagyong Karding sa Panukulan, Quezon. Read more
Pag-asa ng bayan ang kabataan kaya't pinapahalagahan ng GMA Kapuso Foundation ang kanilang mga pangarap. Matapos humagupit ang Bagyong Odette sa Liloan sa Southern Leyte, pinadapa ng bagyo ang kanilang pangalawang tahanan. Sa ilalim ng 'Kapuso School Development Project,' naitayo na ang Kapuso classrooms sa New Malangza Elementary School na mas pinatibay, mas pinaganda na siyang magiging Read more
Ilang linggo matapos ang pananalasa ng Bagyong Karding, kanya-kanyang diskarte pa rin ang mga residente sa Panukulan, Quezon para muling makabangon. Ang GMA Kapuso Foundation, wala pa ring patid sa pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta. Read more
Bumalik ang GMA Kapuso Foundation sa Quezon para muling maghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Karding... Read more
Nagamit ang tulay na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Dingalan, Aurora para mabilis na makalikas ang mga residente dito. Read more