Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement
Namahagi ng yero, kahoy at rubber mats ang GMA Kapuso Foundation sa General Nakar, Quezon. Read more
Namigay ng strollers at pediatric wheelchairs ang GMA Kapuso Foundation sa mga batang may special needs sa Juban, Sorsogon. Read more
Tuwing Nobyembre, ipinagdiriwang ang National Children's Month kung kelan tinututukan ang kalusugan ng mga bata. At dahil layon ng GMA Kapuso Foundation na tulungan ang mga batang may karamdaman at espesyal na pangangailangan may mga hinandugan tayo ng strollers at pediatric wheelchair sa Juban sa Sorsogon. Read more
Mag-iisang taon na mula nang sirain ng Bagyong Odette ang mala-paraisong ganda ng Siargao island. Ngayon, masaya kaming ibalita na unti-unti nang nakakabangon ang mga residente ng isla. At bilang tulong, bukod sa ating handog na eskwelahan, nag-tree planting din tayo sa ilalim ng Kapuso ng Kalikasan Project. Read more
Matapos patumbahin ng Bagyong Odette ang ilang silid-aralan sa Siargao island, walang maayos na magamit ang mga estudyanteng tuloy sa pag-abot ng kanilang pangarap. Ang kalbaryong ito, tinuldukan ng GMA Kapuso Foundation sa tulong ng ating partners, donors, sponsors at volunteers. Dahil naipatayo na natin ang 4 na matitibay na Kapuso classrooms sa Baybay Elementary School sa Siargao sa ilalim ng "Kapuso School Development Project." Read more
Ilang linggo na lang, pasko na! Kaya naman simula na ang pamimigay ng GMA Kapuso Foundation ng maagang aguinaldo para sa mga bata, bilang bahagi ng ating taunang "Give a Gift: Alay sa batang Pinoy Christmas project." Samahan niyo po kaming iparamdam ang diwa ng pasko sa mga kapuso natin sa Quezon at Nueva Ecija. Read more
Extended ang “Kapuso Celebrity Ukay-Ukay” ng GMA Kapuso Foundation sa Noel Bazaar 2022. Read more
Mga Kapuso, lalo pang dumarami ang mga natutulungan natin sa malalayong lugar dahil sa pagtangkilik niyo sa "Celebrity Ukay-Ukay" ng GMA Kapuso Foundation sa Noel Bazaar. Lahat po kasi ng aming malilikom na halaga, mapupunta sa educational at disaster relief project ng GMA Kapuso Foundation. Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta. Read more
Kung naghahanap ng pangregalo o 'di kaya'y pang-outfit of the day o OOTD, puwede pa kayong humabol sa "GMA Celebrity Ukay-Ukay" sa Noel Bazaar sa World Trade Center, Pasay -- hanggang bukas! Doon, maaaring mapasainyo ang ilang exclusive items ng inyong hinahangaang Kapuso star sa pamamagitan ng "Celebrity Auction." Read more
Sa pagpapatuloy ng "Celebrity Ukay-Ukay" ng GMA Kapuso Foundation sa Noel Bazaar sa World Trade Center... mas nagniningning ang pagiging mapagbigay at mapagmahal ng ating mga Kapuso ngayong palapit ang kapaskuhan. Marami kasi sa kanilang nabiling gamit ay panregalo o ibabahagi sa mga nanga-ngailangan. Read more
Kahanga-hanga sa aktingan, pero lalo na raw sa pagtulong sa mga nangangailangan. Kaya talaga namang idol si Carla Abellana na isa sa mga Kapuso stars nagbahagi ng kanilang pre-loved items sa GMA "Celebrity Ukay-Ukay". Sana'y patuloy po ang inyong suporta sa muling pagbubukas ng "Celebrity Ukay-Ukay" sa Noel Bazaar sa World Trade Center sa Pasay simula bukas hanggang November 30. Nakapag-shopping ka na, nakatulong ka pa! Read more
Ang mga katagang -- "walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang" 24 oras na naming panata rito sa GMA Integrated News. Bukod sa paghahatid ng impormasyon, hangad din naming makatulong sa kapwa. Kaya buong puso kaming nag-donate ng aming personal items na pwede ninyong mabili sa "Celebrity Ukay-Ukay" booth ng GMA Kapuso Foundation sa Noel Bazaar. Read more
Mabibili ang pre-loved clothes ng ilang GMA News personalities sa 'Kapuso Celebrity Ukay-Ukay' ng GMA Kapuso Foundation sa Noel Bazaar 2022 sa Pasay simula November 25 hanggang November 30. Read more
Mga Kapuso, ramdam namin ang inyong pagmamahal sa kapwa sa pagtangkilik sa Celebrity Ukay-ukay sa Noel Bazaar sa Okada. Malayo ang mararating ng halagang malilikom sa proyektong ito. Kaya sa parating na Biyernes, muli po namin kayong iniimbitahan sa Celebrity Ukay-ukay sa Noel Bazaar sa World Trade Center sa Pasay, kung saan pwede niyong i-mine ang mga damit ng ilang GMA Integrated News personalities! Read more
Kahanga hanga ang sipag at tiyaga ng nakilala naming padre de pamilya na handang gawin ang lahat maitaguyod lang ang pamilya kahit may iniindang problema sa paningin. Ang kanyang kondisyon, gustong bigyang-linaw ng kanyang maybahay. Bagay na tinugunan ng GMA Kapuso Foundation. Read more
advertisement
Bukod sa sariling tahanan, madalas na sa mga silid-aralan nagsisimula ang paglalakbay ng mga kabataan patungo sa kanilang mga pangarap. Kaya 'yan ang sinusuportahan ng GMA Kapuso Foundation sa "Unang Hakbang sa Kinabukasan" project na ikinakasa natin kahit sa mga liblib na lugar sa tulong ng ating partners, donors at volunteer. Read more
Matagumpay ang naging pagsisimula ng 'Kapuso Celebrity Ukay-Ukay' ng GMA Kapuso Foundation sa Noel Bazaar 2022. Read more
Ramdam na ang diwa ng pasko sa ginanap na Noel Bazaar sa Okada na dinagsa kahit ng mga galing pa sa probinsya. Lubos ang aming pasasalamat sa mga naki-mine sa "Celebrity Ukay-Ukay" ng GMA Kapuso Foundation at sa Cut Unlimited Inc. na katuwang natin sa proyektong ito. At sa mga hindi nakapunta, abangan po ninyo ulit ang ating "Celebrity Ukay-Ukay" sa Noel Bazaar sa World Trade Center, Pasay City sa darating na November 25 to 30. Read more
Mga Kapuso, marami ang matutulungan ng bawat pag-mine ninyo sa pre-loved items ng inyong Kapuso personalities sa Noel Bazaar! Ang malilikom kasing halaga rito, mapupunta sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation. Kaya ngayon pa lang, sa mga kapuso nating nakapamili na, maraming maraming salamat po sa inyong suporta. Read more
Mga Kapuso, pagkakataon niyo nang mag-feel like a star. Ang mga gamit kasi ng inyong mga idolo, pwedeng mapasainyo, kung makiki-mine sa auction ng 'Celebrity Ukay-ukay' ng GMA Kapuso Foundation. Read more