Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement
Para sa bawat ilaw ng tahanan, anumang kalbaryo ay kayang lampasan para maibigay ang panga-ngailangan ng kanilang anak. Kaya masakit para sa isang ginang na kinakapos pa rin ang todo niyang pagkayod para suportahan ang therapy ng anak na may autism spectrum disorder. Lakas-loob na siyang sumulat sa GMA Kapuso Foundation. Read more
Mga Kapuso, naaalala niyo pa ba si Gadiel -- ang batang pinapahirapan ng kanyang malaki at nagdudugong dila? Matapos natin itampok ang kanyang kwento noong nakaraang taon, marami ang naantig at nagmagandang loob na tumulong para siya ay maipagamot. Muli natin siyang kumustahin. Read more
Ang tanging hangad ng bawat ilaw ng tahanan ay makitang malusog at masaya ang kanyang anak. Kaya naman ang nakilala naming ginang sa Tondo, umaapela ng tulong para maibalik ang saya at ngiti ng anak na may kakaibang kondisyon. Read more
Muling nanagawan ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang babaeng may bukol noon sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Read more
Noong nakaraang taon, itinampok natin ang kuwento ng dalagang si Marina, hindi niya tunay na pangalan. Ikinubli natin ang ang kanyang pagkakakilanlan dahil sa tumubong bukol sa maselang bahagi ng katawan na tiniis niya ng tatlong taon. Naoperahan na siya noong nakaraang taon pero may hinaharap pa ring hamon at kailangan pa ang ating tulong. Read more
Kinumusta ng GMA Kapuso Foundation ang ilang batang natulungan nito sa kanilang kakaibang medical conditions. Read more
Layon ng GMA Kapuso Foundation ang makatulong sa mga batang may karamdaman upang sila'y mamuhay nang normal at maabot nila ang kanilang mga pangarap. Hindi po tayo tumitigil sa pagtupad ng layunin na ito. Ngayong bagong taon, muli nating binisita ang ilan sa mga batang ating natulungan. Kumusta na kaya sila ngayon? Read more
Kinumusta ng GMA Kapuso Foundation ang ilang letter senders na natulungan nito noong 2022. Read more
Maraming naabot na mga indibidwal at lugar ang GMA Kapuso Foundation noong 2022 at ipinapangako nito na ipagpapatuloy ang serbisyong ito ngayong 2023. Read more
Mga Kapuso, dahil sa inyong nag-uumapaw na suporta noong nakaraang taon maraming napasaya at nabigyan ng bagong pag-asa ang GMA Kapuso Foundation. Ilan sa mga natulungan, ang hinandugan din ng mga gamit na makatutulong sa kanilang hanapbuhay. At ngayong 2023, hiling ng GMA Kapuso Foundation na yumabong pa ang inyong kabuhayan at magkaroon ang lahat ng masaganang bagong taon. Read more
Sa gitna ng mga pagsubok noong 2022, nanaig pa rin ang katatagan at diwa ng bayanihan ng mga Pilipino. Nasaksihan 'yan mismo ng GMA Kapuso Foundation na naging kaagapay ni'yo rin sa paghahatid ng tulong sa ating mga kababayang higit na nangangailangan. At taos-puso po ang aming pasasalamat sa mga naging partners, sponsors, donors at volunteers sa inyong walang-sawang suporta. Read more
Hindi tulad ng marami, sa mga evacuation center sasalubungin ng ilang binaha sa Misamis Occidental ang 2023. Sa ilalim ng operation bayanihan, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng tulong sa mga apektadong residente sa mga bayan ng Clarin at Oroquieta. Read more
Tuloy ang pagsisikap ng ilang taga-Oroquieta, Misamis Occidental para makabangon sa pinsala ng matinding pagbaha na nakaapekto rin sa kanilang kabuhayan. Kaya sila naman ang hinatiran ng tulong sa operation bayanihan ng GMA Kapuso Foundation. Read more
Naghatid ng food packs ang GMA Kapuso Foundation para sa evacuees sa Clarin, Misamis Occidental. Read more
Dahil maraming nasiraan ng tahanan at may mga nawalan pa ng mahal sa buhay kasunod ng masamang panahon, magbabagong-taong puno ng pangamba ang maraming taga-Clarin, Misamis Occidental. Para ibsan kahit papaano ang kanilang kalbaryo, naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation. Read more
advertisement
Ito rin ang ika-pitong "Kapuso Tulay" ng GMA Kapuso Foundation sa Pilipinas. Read more
Nagbigay ng regalo ang GMA Kapuso Foundation sa mahigit 1,300 mag-aaral sa Siruma, Camarines Sur. Read more
Sa murang edad, dumaan na sa mga pagsubok ang isang mag-aaral sa Siruma, Camarines Sur na nakilala ng GMA Kapuso Foundation. Pero hindi ito naging balakid sa kaniyang pag-aaral. Sa katunayan, mas naging determinado pa siyang matuto. Kaya ngayong panahon ng kapaskuhan, kabilang siya sa mga nahandugan ng Kapuso Foundation ng regalo. Read more
Maagang pamasko ang handog ng GMA Kapuso Foundation para sa isang barangay sa Sogod, Southern Leyte! 'Yan ang matibay na kongkretong tulay na magagamit ng mga residente sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan. Ito ang unang 'Kapuso Tulay' na ating naipatayo sa Visayas at ika-7 naman sa buong bansa. Read more
Nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng hearing aid, bagong telebisyon at marami pang ibang regalo sa isang letter sender mula sa Cavite. Read more