Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement
Naghandog ang GMA Kapuso Foundation ng wheelchair para sa isang lalaking may Pott's Disease sa Victoria, Tarlac. Read more
Hindi nasusukat sa tapang at lakas ang pagiging bayani, kundi pati na rin sa pagmamalasakit sa kapwa. Ganyan ang ating mga blood donors na literal na handang mag-alay ng sariling dugo-- para maibahagi sa mga nanga-ngailangang kababayan. Read more
Hindi makatayo at hindi makapaglakad ang isang lalaking may Pott's disease mula sa Tarlac. Pero natuto siyang bumangon at magsikap para mabuhay sa pamamagitan ng pagtitinda. 'Yun nga lang, hirap siya sa pagkilos gamit ang luma niyang wheelchair. kaya lumapit siya sa Kapuso Foundation para humingi ng tulong. Read more
Magpapatayo ang GMA Kapuso Foundation ng 50-meter steel hanging bridge sa Mabinay, Negros Oriental. Read more
Mahalaga ang matibay na tulay para sa pag-unlad ng komunidad. Sa Mabinay, Negros Oriental, nasira ng kalamidad ang isang tulay na nagpapahirap sa paglalakbay ng mga taga-roon. 'Yan ang gustong tugunan ng GMA Kapuso Foundation na maisasa-katuparan sa pamamagitan ng "Kapuso Tulay para sa Kaunlaran." Read more
Nakapagbigay ng libreng pustiso sa 20 beneficiaries ang Ngiting Kapuso project ng GMA Kapuso Foundation. Read more
Ika nga nila, nakakahawa ang pag-ngiti! Pero para sa ilang may sira ang ngipin, nakakabawas ito ng kumpiyansa sa sarili. Kaya ngayong Pebrero na Oral Health Month, handog natin ang libreng pustiso para muling maibalik ang ngiti sa labi ng ilan nating kababayan. Read more
Naghandog ang GMA Kapuso Foundation ng libreng pustiso para sa mga nangangailangan ngayong Oral Health Month. Read more
Kilala ang mga Pinoy sa pagiging masayahin na kahit na may problema --- nakukuha pa ring ngumiti! Pero paano kung ang pag-ngiti mismo ang problema? Ngayong 'Oral Health Month', libreng pustiso ang handog ng GMA Kapuso Foundation sa mga nanga-ngailangan sa ilalim ng Ngiting Kapuso Project. Read more
Ayon sa expanded national nutrition survey ng food and nutrition institute noong 2018, 2 sa kada 10 bata ay kulang sa timbang habang 3 naman ay stunted o maliliit. Isang dahilan nito ay ang kakulangan sa nutrisyon ng isang bata. Kaya sa "Give-a-Gift Feed a child program" ng GMA Kapuso Foundation, tinitiyak natin na sapat ang nakukuhang nutrisyon ng mga bata sa kanilang kinakain. Read more
Nakapaghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation para sa 17,000 mag-aaral sa Mindanao. Read more
Magsasagawa ang GMA Kapuso Foundation ng 6-month feeding program para sa mahigit 300 mag-aaral sa General Nakar, Quezon. Read more
Problema sa malnutrisyon ang isa sa mga kinakaharap na dagok ng ating bansa -- lalo na sa mga liblib na lugar. Batid 'yan ng GMA Kapuso Foundation kaya bilang tulong, higit 300 kabataan sa General Nakar, Quezon ang isasa-ilalim natin sa 6 na buwang feeding program. Read more
Nakapagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng tulong sa 42,950 mag-aaral mula sa Luzon at Visayas. Read more
Nagsagawa ng pagpupurga at feeding program ang GMA Kapuso Foundation para sa mahigit 300 mag-aaral sa General Nakar, Quezon. Read more
advertisement
Isang sanhi ng malnutrisyon sa mga bata sa General Nakar, Quezon ang pagkakaroon ng bulate sa tiyan na maaari ring mag dulot ng panganib sa kanilang kalusugan. Ngayong National Deworming Month, layon ng GMA Kapuso Foundation na tulungan ang kabataan doon na magkaroon ng malusog at malakas na pangangatawan. Read more
Inspirasyon ng GMA Kapuso Foundation ang mga batang nagpupursigi sa pag-aaral. Bilang sukli sa kanilang sipag, dinayo natin kahit liblib na lugar, para sila ay mapasaya! Kaya 40,000 estudyante sa Luzon at Visayas ang natulungan natin noong isang taon, bagay na 'di magiging posible kung hindi dahil sa inyong suporta. Read more
Mga Kapuso, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng partners, sponsors, donors, at volunteers na walang sawang sumusuporta sa aming mga proyekto. Dahil po sa inyo, nakapaghatid ng regalo ang GMA Kapuso Foundation sa 17,000 mag-aaral sa mga liblib na lugar sa Mindanao. Read more
Ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation ang dalawang babaeng may goiter bilang pakikiisa sa Goiter Awareness Week. Read more
Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa pamilya ng mga magsasaka sa Dilasag, Aurora. Read more