Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement
Humihingi ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang babaeng mula sa Ilocos na may cleft lip at cleft palate. Read more
Tila napagkaitan ng kabataan ang isang babaeng nakilala namin sa Ilocos Sur. Imbes kasi nag-aaral at nakikihalubilo sa kanyang mga ka-edad, sa pagbabanat ng buto niya ginugugol ang oras... para makatulong sa pamilya at maka-iwas sa panunukso dulot ng kanyang kondisyon. 'Yan ang idinulog sa atin sa GMA Kapuso Foundation. Read more
Nito lamang Miyerkules, nasaksihan natin ang kwento ng pamilya ni Princess mula Cabanatuan, Nueva Ecija. Kahit pa may iniindang sakit ang kanyang ama at anak, tumutulong pa rin sila sa kanyang pagha-hanapbuhay. Kaya bilang tulong, ipinasuri sila ng GMA Kapuso Foundation at hinandugan na rin ng mga regalo. Read more
Nagsisilbing lakas at sandigan ng isang ginang mula sa Cabanatuan, Nueva Ecija ang kanyang pamilya. Ngunit ang kanyang ama at anak na kaagapay sa buhay, may iniindang sakit. Kaya naman sumulat siya sa GMA Kapuso Foundation upang humingi ng tulong. Read more
Masipag at mapagmahal. Ilan lang 'yan sa mga katangian ng dalawang babaeng aming nakilala sa Laguna at Nueva Ecija na walang inuurungan maitaguyod lang ang kani-kanilang pamilya. Kaya bilang bahagi ng National Women's Month, sinuklian ng GMA Kapuso Foundation ang kanilang dedikasyon at pagsisikap. Read more
Nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng libreng pap smear at breast exam para sa 100 kababaihan sa La Union. Read more
Ngayong National Women's month, kuwento ng inspirasyon ang hatid namin sa inyo mula sa madidiskarte at masisipag na mga kababaihan sa Sto. Tomas, La Union na pagdadaing ng isda ang pangunahing ikinabubuhay. Kabilang sila sa hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng mga regalo. Read more
Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga mangingisdang apektado ng oil spill sa Bansud, Oriental Mindoro. Read more
Ngayong International Women's Day, tampok natin ang isang babaeng mangingisda na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro. Handa raw niyan gawin ang anumang trabaho kahit yung inaakala ng marami na panlalaki lang maitaguyod lang ang pamilya. Kabilang siya sa hinatiran natin ng tulong sa ilalim ng Operation Bayanihan. Read more
Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng tulong para sa mangingisdang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro. Read more
Dahil sa oil spill na idinulot ng lumubog na oil tanker sa Oriental Mindoro, maraming mangingisda at fish vendor ang ilang araw nang hindi makapag-hanapbuhay sa bayan ng Pinamalayan. Para maibsan ang kanilang problema, hinatiran sila ng GMA Kapuso Foundation ng tulong sa ilalim ng "Operation Bayanihan." Read more
Napaoperahan na ng GMA Kapuso Foundation ang isang dalagang nanawagan ng tulong dahil sa problema niya sa paningin. Read more
Nakilala natin ang tatlong magkapatid sa Caramoan, Camarines Sur na pare-parehong may kondisyon sa mata. Ang dalawa sa kanila, nauna nang natulungan ng GMA Kapuso Foundation. At ngayon, napaoperahan na rin natin ang isa pa nilang kapatid. Read more
Humingi ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang dalagang may problema sa kanyang paningin. Read more
12 taon na ang nakalipas nang maantig tayo sa kuwento ng magkakapatid na pare-parehong may kakaibang kundisyon sa mata. Sa tulong nang ating volunteer doctors, na-operahan sina Roildan at Rayven. Pero ang bunso nilang kapatid na si Kim, sinisipat-sipat pa rin ang kaunting liwanag na nakikita. Read more
advertisement
Nakalikom ang GMA Kapuso Foundation ng 1,705 blood bags sa Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project na idinaos noong February 26. Read more
Mga Kapuso, matagumpay po tayong nakalikom ng 1,705 blood bags sa isinagawang'Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project' ng GMA Kapuso Foundation, katuwang ang Phiilippine Red Cross sa Ever Commonwealth kahapon. Kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa kahit na ang iba ay nanggaling pa sa malalayong lugar. Pati na rin sa partners, sponsors, volunteers at entertainers. Tunay po kayong mga bayaning Kapuso! Read more
Narito ang ilang paalala para bago mag-donate ng dugo sa Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project ng GMA Kapuso Foundation ngayong February 26. Read more
Mga Kapuso, alam niyo ba na ang pagdo-donate ng dugo, hindi lang nakakabuti sa sirkulasyon nito sa katawan? Nakakatulong din kasi ito para mapababa ang tsansa ng pagkakaroon ng heart disease. At sa nalalapit nating bloodletting activity, may mga paalala tayo para sa mga makiki-isa. Read more
Mga Kapuso, alam niyo bang ang pagdodonate ng isang bag ng dugo ay kayang makasagip ng hanggang tatlong buhay? Ayon po 'yan sa World Health Organization. At patunay riyan ang isang batang apat na taong nakipagbuno sa leukemia na tinulungan ng GMA Kapuso Foundation. Read more