Ganito rin ang kinahaharap ng katrabaho niya sa parlor na si Lhola. Hirap ito sa pagkain dahil wala na siyang natitirang ngipin.
"'Pag panay sabaw 'yung kinakain mo, lagi kang gutom. Siyempre manghihina ka noon," paliwanag ni Ramon "Lhola" Higgins.
Tulad ni Monica, hindi rin niya kayang magpagawa ng pustiso.
"Umaabot sa PhP18,000 ang up and down na ipin. Ang mahal yata. Hindi ko kakayanin," lahad ni Lhola.
Dahil dito, hiling niyang magkaroon ng pustiso.
"Magkaroon ako [sana] ng panibagong ipin para panibagong lasa at sustansiya sa buhay. Mabubuo na 'yung confidence ko sa sarili, 'yung tiwala. Babata na naman 'yung itsura ko, gaganda na naman ako," ani Lhola.
Kabilang sina Monica at Lhola sa mga nagpalista para sa Ngiting Kapuso Project ng GMA Kapuso Foundation. Layunin ng proyektong ito na makapagbigay ng libreng pustiso para sa mga nangangailangan nito.
Sa mga nais magbigay ng tulong sa Ngiting Kapuso at sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa GMANetwork.com/KapusoFoundation.
Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.
Maaari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus