GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mga binaha sa Davao de Oro
January 23 2024
By MARAH RUIZ
Nakaranas ng malawakang pagbaha and landslides ang Davao de Oro kaya inilagay ito sa ilalim ng state of calamity, kasama ang Davao del Norte.
"Dahilan talaga ng pagbaha at maraming landslide, especially sa mga daan, 'yung walang tigil na ulan. Tatlong araw hindi tumigil 'yung ulan kaya 'yun ang naging dahilan. Maraming nasalantang mga bahay," paliwanag ni Elmer Codon, barangay captain ng Napnapan sa Pantukan, Davao de Oro.
Tumungo agad ang GMA Kapuso Foundation sa Davao City para sa repacking ng food packs sa ilalim ng Operation Bayanihan.
Inihatid nito ang food packs sa 1,200 indibidwal sa bayan ng Pantukan sa Davao de Oro.
"Salamat sa GMA Kapuso Foundation. Ito ang unang tulong na natanggap namin dito sa Brgy. Napnapan," pahayag ni Alex Cole, isang residente.
Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa Operation Bayanihan ang Clearbridge Medical Philippines Inc., Pilipino Student Assocition, ROTC Unit, Rizal Memorial Colleges, University of South Eastern Philippines, University of Mindanao-Matina Campus, Philippine Army 25th Infantry Battalion, 11th Regional Community Defense Group, ResCom, at 1103rd and 1105th Community Defense Group.
Nakatakda na ring tumungo ang GMA Kapuso Foundation sa bayan ng Nabunturan at Monkayo sa Davao de Oro para maghatid ng tulong.
Sa mga nais magbigay ng tulong sa mga naapetuhan ng malawakang pagbaha at landslides at sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa GMANetwork.com/KapusoFoundation.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus