November 08 2023
Buhangin galing sa ilog ang ginagamit ni Gerly dela Peña mula sa Jose Pangniban, Camarines Norte para linisin ang ngipin niya at ng kanyang mga anak.
Hindi kasi madalas makabili ng toothpaste si Gerly dahil sa hirap ng buhay.
"'Yung nanay ko, 'yun ang ginagamit maliliit pa kami. Naglilinis ng ngipin ng buhangin tapos ginagaya namin. Tinuturuan ko din 'yung magkapatid niyan. Pumuputi 'yung ngipin at saka nawawala 'yung mga dumi sa ngipin," pahayag ni Gerly.
Mahalaga para sa GMA Kapuso Foundation ang kalusugan ng mga bata kaya katuwang ang Philippine Association of Private School Dentists, naghandog ito ng libreng dental services sa mga mag-aaral ng sa Jose Panganiban, Camarines Norte.
Sa ilalim ng Linis Lusog Kapusong Kabataan project, nabigyan ng libreng dental checkup, bunot, at fluoride varnish application ang mahigit sa mga estudyante rito.
Samantala, hindi naman iniririkomenda ng mga dentista ang paggamit ng buhangin para ipanglinis ng ngipin.
"Hindi po natin sigurado na ang buhangin na nakukuha natin sa tabi ng ilog [ay malinis] kasi pweedng magkaroon ng bacteria na nagiging sanhi ng infection katulad ng UTI, endocaditis, intra-abdominal infection, at meningitis," babala ni Dr. Natividad Machica, presidente ng Philippine Association of Private School Dentists.
Bukod sa dental services, naghandog din ang GMA Kapuso Foundation ng gift bags na may lamang pagkain, laruan at hygiene kits.
Sa Marabut, Samar naman, nagturo ang GMA Kapuso Foundation ng wastong paraan ng paghugas ng kamay at pagsisipilyo ng ngipin sa mga mag-aaral.
Sa kabuuan, mahigit 1,000 students mula sa Camarines Norte at Samar at natulungan sa Linis Lusog Kapuso Kabataang project.
"Maraming salamt po sa GMA Kapuso Foundation dahil natulungan po ninyo kami kahit na malayo po dito sa aming tribo," mensahe ni Rona Lamadrid.
Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng My 1st Dental Shop, Lamoiyan Corporation, Philippine Association of Private School Dentists, Camarines Norte Dental Chapter, DepEd Samar Medical and Dental Team, 9ID and 8ID, 902nd BDE, 9th BN and 63rd BN.
Sa mga nais magbigay ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa GMANetwork.com/KapusoFoundation.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus