Barker na may bukol sa leeg, nanawagan ng tulong sa GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Humingi ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang lolang barker na may bukol sa leeg.

Barker na may bukol sa leeg, nanawagan ng tulong sa GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Apat na dekada nang nagtatrabaho bilang barker ng jeep ang 75 taong gulang na si lola Helen Bermundo.

Dahil sa kanyang trabaho, namamaos ang kanyang boses pero bukod dito, sampung taon na rin niyang iniinda ang bukol sa kanyang leeg.

Nitong Thyroid Cancer Awareness Month noong nakaraang September, ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation si lola Helen.

"Maaari po itong pamamaos na ito ay dahil sa tumor mismo dahil sa pagkakaroon ng iodine deficiency, isa 'yun. Pangalawa, puwedeng genetic or pangatlo puwedeng 'yung pagkakaroon natin ng problema sa radiation. Eventually, baka kailangan talaga siyang ma-operahan," paliwanag ng ENT at head and neck surgeon na si Dr. Gil Vicente.

 

 

 



Nitong August 2022, natapos na ang walong taong pagtitiis ni Elma Mateo matapos mapa-operahan ng GMA Kapuso Foundation ang bukol niya sa leeg.

"Mayroon kaming bagong technology. Nilagay namin ang wand natin na may radio frequency, dahan dahan liliit siya. Ngayon, wala na [ang bukol]," lahad ni Dr. Vicente.

"Marami pong pagbabago. Nawala na 'yung pananakit ng dibdib ko. Mas nakakakain na ko nang maayos. Hindi na ako masyadong madaling mapagod. Maraming maraming salamat po talaga at na-operahan ako," mensahe ni Elma.

Tulad ni Elma, kailangan din ng tulong ni lola Helen.

"Ganito ang kalagayan ko. Baka gusto po ninyong matulungan po ninyo ako. Tinda tinda lang po para makalibre ako ng kain," panawagan niya.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa tulong ni Dr. Gil Vicente.

Sa mga nais magbigay ng tulong kay lola Helen at sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.