GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng libreng eye checkup sa mga estudyante ng Sampaloc, Quezon | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagbigay ng libreng eye checkup ang GMA Kapuso Foundation para sa mga estudyante ng Sampaloc, Quezon.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng libreng eye checkup sa mga estudyante ng Sampaloc, Quezon

By MARAH RUIZ

Bilang pakikiisa sa Sight Saving Month, nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng libreng eye examnition sa mga mag-aaral ng Sampaloc Elementary School-Main sa Quezon.

Bahagi ito ng proyekto na Kapuso 20/20 Eye Project ng GMA Kapuso Foundation.

"Ang na-check po natin is almost 98 students, ages po niya is from five to 14 years old po. 'Yung kabuuan po natin na nakita na may grado po or may diperensiya po sa mata or vison po nila is 40 out of 98 students po," pahayag ni Dr. Elizha Padua, isang optometrist.

"They are in school so 'pag nagbabasa po, doing their homework 'pag nasa bahay, 'yung insufficient na light, 'yun po nakaka-cause din 'yun ng grado sa mata natin," paliwanag naman ni Dr. Charisse Alyssa M. Pillado, optometrist.

Ayon sa Philippine Society of Pediatric Ophthalmology and Strabismus, ang labis na pagggamit ng gadget ay madalas na nagreresulta sa digital eye strain.

"Dahil sa sobrang paggamit ng gadgets, marami kaming nakitang mga bata na medyo lumala ang kanilang paningin. 'Yung mga iba na nagko-complain na laging masakit ang ulo. 'Yung iba naman laging pumipikit at kumukurap ang mata. 'Yung pinakamahirap doon ay 'yung pagtaas po ng grado," paliwanag ni Dr. Ronald Antonio Reyna, president ng Philippine Society of Pediatric Ophthalmology and Strabismus at current head ng Eye Center sa Tarlac Provincial Hospital.

Payo ng doktor sundin ang recommended screentime para sa mga bata.

"May muscle sa mata 'yan eh. Napapagod rin 'yan. Minsan sumasakit ang ulo at mata ng mga bata," dagdag ni Dr. Reyna.

 

 

 

 

 

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa sa Kapuso 20/20 Eye Project nina Dr. Ronald Antonio Reyna, Dr. Elizha Padua, Dr. Charisse Alyssa M. Pillado, Vision Express, DepEd Schools Division of Quezon-Sampaloc District, Jollibee Group, at Pepsi Cola Products Philippines Inc.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.