'Mike Enriquez Legacy Fund,' inilunsad ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Inilunsad ng GMA Kapuso Foundation ang 'Mike Enriquez Legacy Fund' bilang pagbibigay-pugay sa yumaong broadcaster.

'Mike Enriquez Legacy Fund,' inilunsad ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Sa pahintulot ng kanyang pamilya, bubuksan sa publiko ang burol ng yumaong Kapuso broadcaster na si Mike Enriquez.

Magkakaroon ng public viewing para kay Mike sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City sa Sabado, September 2, mula 8:30 a.m. hanggang 3:00 p.m.

Hiling din ng pamilya ni Mike na sa halip ng mga bulaklak, maaring magbigay ng donasyon sa GMA Kapuso Foundation.

Inilunsad naman ng GMA Kapuso Foundation ang "Mike Enriquez Legacy Fund" para patuloy na alalahanin at pahalagahan ang yumaong award-winning broadcast journalist.

"Bilang pagbibigay-pugay naman sa ating Kapusong si Mike Enriquez, gumawa ang GMA Kapuso Foundation ng 'Mike Enriquez Legacy Fund.' Nakikiusap po ang kanyang pamilya na imbis na bulaklak ay magbigay na lang ng donasyon sa GMA Kapuso Foundation kung saan nagsisilbi rin si Mike bilang isang miyembro ng Board of Trustees. Ang mga malilikom ay ilalaan sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation," pahayag ni GMA Kapuso Foundation ambassador and special adviser Mel Tiangco.

"Salamat, Mike ha? Hanggang sa huli, ika'y kasama ng GMA Kapuso Foundation sa pagbibigay ng serbisyong totoo," dagdag na mensahe ni Mel sa mabuting kaibigan.

Pumanaw si Mike noong August 29 sa edad na 71.

Nagsilbi siya bilang isa sa mga anchor ng GMA flagship newscast na 24 Oras. Host din siya ng longest-running public affairs program na Imbestigador pati na ng ilang radio programs sa Super Radyo dzBB.

Balikan ang mahabang career at ang legacy na iniwan ni Mike Enriquez dito: