GMA Kapuso Foundation, papalitan ang classrooms na sinira ng lindol sa Kidapawan | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Magpapatayo ng bagong classrooms ang GMA Kapuso Foundation sa isang paaralan sa Kidapawan.

GMA Kapuso Foundation, papalitan ang classrooms na sinira ng lindol sa Kidapawan

By MARAH RUIZ

Tinamaan ng malakas na lindol ang Sumayahon Elementary School sa Kidapawan City, North Cotabato noong October 2019.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala ang mga silid-aralan ng eskuwelahan.

"Nasayang 'yung mga libro. Nagiba 'yung pader. Kinabahan po ako," paggunita ng mag-aaral na si Baby Rose Masaglang.

Karamihan ng mga estudyante dito ay Manobo at nagkaklase muna sila sa itinalagang temporary learning space.

Bilang tugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral, nagsagawa ang GMA Kapuso Foundation ng groundbreaking ceremony sa Sumayahon Elementary School.

Magtatayo dito ng dalawang bagong Kapuso classrooms na may comfort rooms bilang bahagi ng Kapuso School Development project.

 

 

"Kinakailangan talaga na maghanap tayo ng mga lugar na in the event magkaroon ng earthquake, wala sila doon sa danger zone," pahayag ni Rikki Escudero-Catibog, Executive Vice President and Chief Operating Officer ng GMA Kapuso Foundation.

"'Yung ating mga roofing ay makapal. 'Yun 'yung mag-i-integrate doon sa ating buong structure. Kaya nitong i-withstand 'yung up to magnitude 8 na lindol," paliwanag naman ni Engr. Arnel Zantua, GMA Kapuso Foundation.

Nakiisa rin sa proyektong ito ang Austrian Embassy Manila.

"Education is the key for different future. If this is not done in a safe and secure environment, then kids can only go halfway. We have to make sure that that they can really fully benefit from what is available," bahagi ni H.E. Johann Brieger, Austrian Ambassador to the Philippines.

Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Philcement, Union Galvasteel, Manila Water Foundation, Solid Shipping Lines, Super Globe Inc., Kuysen Enterprises Inc., Hanabishi, Mariwasa Siam Ceramics, Philippine Army 10th Infantry Division, 1002nd Infantry Brigade, at 39th Infantry Battalion.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Puwede ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.