August 16 2023
Matagumpay na naisagawa ng GMA Kapuso Foundation ang Sagip Dugtong Buhay bloodletting project noong August 11.
Isa sa mga maagang nag-donate ng dugo si Joan Segismundo na panata ang pagbibigay ng dugo simula noong siya ay college student na pa lang.
Nagsimula siyang makiisa sa bloodletting projects ng GMA Kapuso Foundation noong 2010.
"Proud din ako kasi siyempre, nauna ko, pero 'yung feeling na 'yung dugo ko may mapupuntahan na taong matutulungan. Gusto kong makatulong kasi hindi ko man kaya sa financial, kahit man lang sa dugo ko," lahad ni Joan.
Salamat sa sa donors, sponsors, volunteers at entertainers, 1,590 blood bags ang nalikom sa Sagip Dugtong Buhay bloodletting project ng GMA Kapuso Foundation, katuwang ang Philippine Red Cross sa Ever Commonwealth.
Binigyan din dito ng parangal ang blood galloners o mga blood donors na nakapag-donate na ng mahigit walong beses.
"Paano kaya 'yung mga taong walang dugo, sabi ko, walang pambili ng dugo, walang makuhang dugo. Paano kaya ang ginagawa nila? 'Yun, mga kaibigan, ang nagmulat sa akin," pahayag ni Mel Tiangco, ambassador and special adviser ng GMA Kapuso Foundation.
"Gusto natin, mas maraming tao ang magkaroon ng oportunidad para mag-donate ng dugo. Hindi ka lang nakakatulong, ikaw pa ay tinutulgan mo ang sarili mo kasi very healthy ang blood donation," lahad ni Rikki Escudero-Catibog, Executive Vice President and Chief Operating Officer ng GMA Kapuso Foundation.
"Nagkakaroon tayo ng kakulangan ng dugo lalong lalo na sa mga season na mga bakasyon so kailangan tuloy-tuloy 'yung ating pag-iimpok ng dugo sa ating mga blood banks, paliwanag naman ni Dr. Gwendolyn Pang, secretary general ng Philippine Red Cross.
Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa sa Sagip Dugtong Buhay ng Philippine Red Cross, Ever Commonwealth, Julia Pascual, Shuvee Entrata, Keisha Serna, Matthew Uy, Blvck Flowers, Bern Marzan, Roland Millan, Thelina Sicam, Klinton Start, Ramil Omusura, JM Enriquez, Dindo Caraig, Armed Forces of the Philippines, Department of Interior and Local Government, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Navy, Philippine Army, Philippine Marines, Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, PNP QCPD, Manlalakbay Riders Club, Avanza Club Pilipinas Inc., Quezon City Heroes Royal Eagles Club, Pocari Sweat, Julie's Bakeshop, Bea Binene, Tess Bomb, Papa Ding, Papa Ace, Headquarters and Headquarters Support Group Combo, Philippine Army, at PNP Dance Team.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus