August 14 2023
Ginanap ang Sagip Dugtong Buhay bloodletting project ng GMA Kapuso Foundation at Philippine Red Cross noong August 11 sa Ever Commonwealth sa Quezon City.
Matagumpay na nakalikom ang proyekto ng 1,545 blood bags.
Kabilang sa blood donors si Bella Junio na sinisikap makatulong dahil minsan na ring nangailangan ng dugo ang nanay niyang may cancer.
"Talagang 'pag mayroon akong nakikita sa FB na may nangangailangan, basta malapit lang, pupuntahan ko. Gusto kong mag-donate," pahayag ni Bella.
Sa parating niyang kaarawan sa August 26, siya pa ang nagbigay ng regalo sa kapwa sa pamamagitan ng pagdo-donate ng dugo.
Ito ang ika-27 taon ng pagsasagawa ng Sagip Dugtong Buhay bloodletting project ng GMA Kapuso Foundation at Philippine Red Cross sa Ever Commonwealth.
"It was then na na-open ang isip ko sa pangangailangan ng dugo. Sabi ko sa sarli ko, paglabas na paglabas ko dito, I will work so hard to be able to help people doon sa problemang 'yun--'yung dugo," pahayag ni Mel Tiangco, ambassador and special adviser ng GMA Kapuso Foundation.
"Araw-araw po, may pangangailangan ng dugo. Ang ating average requirement ng dugo araw-araw ay nasa 3,500 units or bags na dugo," lahad naman ni Dr. Gwendolyn Pang, secretary general ng Philippine Red Cross.
"Lahat ng mga patients ng GMA Kapuso Foundation sa Cancer Champions project namin ay nakakakuha ng libreng dugo mula sa Red Cross," bahagi naman ni Rikki Escudero-Catibog, Executive Vice President and Chief Operating Officer ng GMA Kapuso Foundation.
Salamat sa sponsors at donors, nakapagpamahagi rin ang GMA Kapuso Foundation ng pagkain at freebies para sa blood donors. Ilang Kapuso artists at entertainers din ang nagbigay saya dito.
Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa sa Sagip Dugtong Buhay bloodletting project ng mga sumunod: Ever Commonwealth, Headquarters and Headquarters Support Group Combo ng Philippine Army, PNP Dance Team, Bureau of Fire Protection, PNP QCPD, Manlalakabay Riders Club, Avanza Club Pilipinas Inc., Quezon City Heroes Royal Eagles Club, Julia Pascual, Shuvee Entrata, Kim Perez, Keisha Serna, Matthew Uy, Blvck Flowers, Roland Millan, Thelina Sicam, Klinton Start, Ramil Omusura, JM Enriquez, Dindo Caraig, Philippine Red Cross, Bea Binene, Tess Bomb, Papa Ding, Papa Ace, GMA 7 Employees Multi Purpose Cooperative, Pocari Sweat, Sogo Cares by Hotel Sogo, Fitrite Incorporated, The Coffee Bean & Tea Leaf, Generika Drug Store, Healthy and Pure Purified Water, Ma Chicken Mami House, Skyworth Philippines Corporation, at Microtel by Wyndham.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.
Maaari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus