GMA Kapuso Foundation, magsasagawa ng bloodletting project sa August 11 | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Alamin kung paano maaring mag-donate ng dugo sa upcoming bloodletting project ng GMA Kapuso Foundation sa August 11.

GMA Kapuso Foundation, magsasagawa ng bloodletting project sa August 11

By MARAH RUIZ

Muling magsasagawa ng GMA Kapuso Foundation ang kanilang bloodletting project na Sagip Dugtong Buhay.

Mangyayari ito ngayong parating na Biyernes, August 11, mula 8:00 a.m. hanggang 8:00 p.m sa Ever Commonwealth sa Quezon City.

Katuwang ang ng GMA Kapuso Foundation sa proyektong ito ang Philippine Red Cross at Ever Gotesco.

 

 


Maaaring mag-donate ng dugo ang mga taong may edad na 18 hanggang 65 years old. Kailangan naman ng pahintulot ng magulang ang mga nais mag-donate na may edad na 16 o 17 years old.

Kailangan din na hindi bababa ang inyong timbang sa 100 lbs. o 50 kilos.

Bago mag-donate, siguraduhin na kayo ay nakapagpahinga at may sapat na tulog na hindi bababa sa lima hanggang anim na oras.

Dapat ding kumain at uminom ng tubig o juice bago mag-donate ng dugo at siguraduhing wala kayong ubo, sipon at allergy sa araw ng blood donation.

May handog ng exclusive Bayaning Kapuso baller bracelets at iba pang freebies at mga sorpresa ang GMA Kapuso Foundation sa mga magdo-donate ng dugo.

 

 



Maging Bayaning Kapuso at makiisa na Sagip Dugtong Buhay bloodletting project ng GMA Kapuso Foundation.

Pumunta lang sa Ever Commonwealth sa Quezon City sa August 11, mula 8:00 a.m. hanggang 8:00 p.m.

Para sa katanungan, maaring tumawag sa 8928-4299 at 8928-9351, Lunes-Biyernes, 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.