GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong sa mga magsasaka sa La Trinidad, Benguet | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagbigay ng tulong ang GMA Kapuso Foundation para sa mga magsasaka sa La Trinidad, Benguet na apektado ng Bagyong Egay.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong sa mga magsasaka sa La Trinidad, Benguet

By MARAH RUIZ

Dahil sa hagupit ng Bagyong Egay, maraming nasirang mga pananim sa La Trinidad, Benguet.

Kabilang diyan ang mga letsugas at bokchoy na tanim ng karamihan sa Brgy. Shilan.

Sa apat na araw ng pag-ulan at kabi-kabilang landslides, malabo nang makaani pa ang mga magsasaka.

Dahil dito, apektado na rin ang presyo ng gulay kahit sa bagsakan pa lang.

Bilang tulong sa mga magsasakang sinalanta ng Bagyong Egay, namahagi ang GMA Kapuso Foundation ng food packs sa walong barangay sa La Trinidad, Benguet.

Umabot sa walong daang pamilya rito ang natulungan sa ilalim ng Operation Bayanihan.

"Maraming salamat sa GMA Kapuso Foundation. Kayo po ang unang nagbigay ng ayuda sa Brgy. Shilan," mensahe ni Capt. Jeffrey Maslag.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa Operation Bayanihan ang Eurotel, La Trinidad Municipal Police Station, at Benguet Police Provincial Office.

Nakarating na rin ang GMA Kapuso Foundation sa Vigan at Bantay, Ilocos Sur para maghatid ng tulong doon.
 

 

 

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.


Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.