GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa Camalig, Albay
June 15 2023
By MARAH RUIZ
Anim na Kapuso classrooms sa Bariw Elementary School ang kasalukuyang nagsisilbing tuluyan ng ilang residente mula sa Camalig, Albay dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ipinagawa ng GMA Kapuso Foundation ang anim na classrooms na ito noong 2007 at makailang beses na ring nagsilbing takbuhan ng mga residente tuwing panahon ng sakuna.
"Well-ventilated tapos mayroon siyang mga CRs na talaga namang magagamit ng mga evacuees," pahayag ni Leo Ontañez, principal ng Bariw Elementary School.
Sa pagpapatuloy ng Operation Bayanihan, tumungo ang GMA Kapuso Foundation sa Camalig, Albay para maghatid ng food packs, hygiene kits at KN95 masks para sa mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Nagsagawa rin ang GMA Kapuso Foundation ng feeding program dito.
Katuwang ng GMA Kapuso Foundation Armed Forces of the Philippines Southern Luzon Command, Philippine Army 9th Infantry Division, Philippine National Police-Camalig, PNP-Malilipot, Sogo Cares by Hotel Sogo, at Gardenia Bakeries Philippines Inc.
Patuloy ang pagbibigay ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Buklang Mayon.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus