GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon
June 13 2023
By MARAH RUIZ
Pinalikas na ang mga residente sa Brgy. Lidong sa Sto. Domingo, Albay dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
"'Yung mga taga-Lidong po na nasa 6 to 7 kilomenter danger zone, 'yun po ang unang binigyan ng pagkakataon na mai-evacuate po upang safe na po sila dito," paliwanag ni Danilo B. Balana, district DRRM coordinator sa Sto. Domingo Central School.
Madalas maging takbuhan ng mga lumilikas ang Sto. Domingo Central School kung saan nagpagawa ng 20 classrooms ang GMA Kapuso Foundation. Sa kasalukuyan, 14 classrooms dito ang nagsisilbing pansamantalang tahanan ng mga evacuees.
Naghatid dito ang GMA Kapuso Foundation ng food packs, hygiene kits, at KN95 masks para sa mahigit 500 indibidwal.
"Pagdating po sa typhoon, lagi po itong nagagamit na GMA Kapuso Classroom kasi po very safe po 'yung mga evacuees dito. Napakalaki ang pasaslaamat namin sa GMA Kapuso Foundation," lahad ni Balana.
Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Philippine Army 9th Infantry Division at Armed Forces of the Philippines Southern Luzon Command.
Patuloy ang pagbibigay ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Buklang Mayon.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus