GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng libreng blood sugar test at ECG sa Bataan | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng libreng blood sugar test at ECG sa mga gumagawa ng walis sa Bataan.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng libreng blood sugar test at ECG sa Bataan

By MARAH RUIZ

Gumagawa ng walis sa Brgy. Mabatang, Abucay, Bataan ang 41-year-old na si Vanette Rivera.

"Ito 'yung cash mo na hawak-hawak araw-araw, 'yung sahod mo sa walis. Gumagawa ako ng 85 pieces sa isang araw," bahagi ni Vanette.

Nagkaroon ng hypertension si Vanette noong siya ay 23 years old pa lamang.

"Sa ospital, nagbi-BP-han kami noong mga kaklase ko. Nalaman ko na mataas 'yung dugo ko tapos nagpa-check ako sa center," paggunita niya.

Nasa lahi rin nila ang hypertension. Dalawang beses na-stroke ang nanay ni Vanette--una noong 1994 at pangalawang beses noong 2018. Na-stroke rin ang kapatid niya noong 2004. Dahil dito, doble ingat si Vanette sa kanyang kalusugan.

Bilang pakikiisa sa Hypertension Awareness Month ngayong buwan ng Mayo, nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng libreng fasting blood sugar test at electrocardiogram o ECG.

Kabilang si Vanette sa mga gumgawa ng walis sa Abucay, Bataan na ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation.

Bukod sa serbisyong medikal, may handog ding food packs, hygiene kits, at vitamins ang GMA Kapuso Foundation para sa kanila.
 

 

 

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Municipality of Abucay, Bataan; Barangay Mabatang, Abucay, Bataan; Better Care Diagnostic Laboratory; Dr. Pamela Pomer-Oandasan; at Selecta Milk.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.


Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.