GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng libreng pap smear at breast exam sa Tarlac | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng libreng pap smear at breast exam para sa mga nanay sa Tarlac.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng libreng pap smear at breast exam sa Tarlac

By MARAH RUIZ

Ginawang pangkabuhayan ng ilang kababaihan sa Victoria, Tarlac ang water lily na bumabara sa mga ilog at lawa. Lumilikha sila ng mga basket at iba pang handicrafts gamit ang pinatuyong water lily.

Isa na rito si Marie Claire Banda na bukod sa paggawa ng baskets, suma-sideline rin sa paggagantsilyo at paggawa ng kandila para may panggastos sa pag-aaral ng anak.

"May edad na 'ko, may sakit na 'ko kaya kahit ano po, iniisip ko 'yung dito na handicraft, mapapagana ko 'yung utak ko kung paano ako kumita ng pera," lahad ni Claire.

Kasama si Claire sa 100 mga ginang sa Victoria, Tarlac na hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng mga regalo bilang pagpupugay sa Mother's Day.
 

 

 

Bukod dito, may libreng pap smear at breast exam din para sa kanila.

"Para sa lahat ng kababaihan na 25 years old and above until 65 years old, nire-recomenda na magpa-pap smear tayo," paliwanag ni Dr. Rochelle Ann Micah Venturina, general physician.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa sa proyekto ng Propan, Colgate-Palmolive Philippines, Selecta Milk, Homelab Medical and Diagnostic Clinic, at Rural Health Unit ng Victoria, Tarlac.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.