Ina, idinulog sa GMA Kapuso Foundation ang anak na may bukol sa likod | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Idinulog ng isang ina sa GMA Kapuso Foundation ang kundisyon ng anak na tinubuan ng bukol sa likod.

Ina, idinulog sa GMA Kapuso Foundation ang anak na may bukol sa likod

By MARAH RUIZ

Seven years old na si Mark Ian Camu na mula sa Tigaon, Camarines Sur. Kasabay ng kanyang paglaki ang pagtubo ng bukol sa kanyang likod.

Nahihirapan siyang lumalakad, umihi, at dumumi dahil sa bukol.

"'Pag nasakit na po 'yang bukol niya saka 'yung hita niya, ang paglalakad niya po palagi po siyang nadadapa," paliwanag ng nanay na si Maricel Camu.

Gustong ipagamot ni Maricel si Mark pero kulang ang kita niya sa pagtititnda ng merienda. Kaya naman inilapit ni Maricel ang kundisyon ng anak sa GMA Kapuso Foundation.

"'Yung sacral myelomeningocele, ito po 'yung outpouching din po siya sa likod na may kasamang spinal fluid at parte po ng spinal cord at saka ng nerves po niya," paliwanag ni Dr. Jocelyn Yadao-Agonoy, isang pediatrician sa Bocaue Specialists Medical Center, tungkol sa kundisyon ni Mark.
 

 

 

Ipinaalala rin ni Dr. Yadao-Agonoy ang kahalagahan ng folic acid sa mga buntis para maiwasan ang ganitong kundisyon.

"Kailangnan, prior na magbuntis sila, nakakainom na sila ng folic acid. Ito po ay bitamina na B9 na makakatulong sa neural development," lahad niya.

Kailangan pa ng ilang diagnotics tests ni Mark kaya nanawagan ng tulong si Maricel para sa anak.

"Sana po may maigi ang puso diyan. Tulungan niyo naman po 'yung anak ko na ma-operahan po siya," pahayag niya.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa tulong ng Pediatrics Department ng Bocaue Specialists Medical Center, Selecta Milk, at ni Dr. Jocelyn Yadao-Agonoy.

Sa mga nais mag-abot ng tulong kay Mark at sa iba pang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.