GMA Kapuso Foundation, nakalikom ng 777 blood bags sa Sagip Dugtong Buhay
April 05 2023
Nagsagawa ng simultaneous blood letting activity ang GMA Kapuso Foundation sa iba't ibang kampo ng Armed Forces of the Philippines.
Sabay sa pagdiriwang ng ika-126 founding anniversary ng Philippine Army noong March 25, idinaos ang GMA Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay blood letting project sa Fort Magsaysay at Camp Capinpin katuwang ang Philippine Red Cross.
"Ginagawa natin itong joint blood letting na ito para lahat ng nangangailangan ng dugo during the critical period of Holy Week ay maserbisyohan natin," pahayag ni Rikki Escudero-Catibog, Executive Vice President and Chief Operating Officer ng GMA Kapuso Foundation.
"Ngayong upcoming Holy Week po siyempre medyo nababawaasn 'yung ating mga donation po o mga blood donors po natin. So kahit ganyan po, ine-encourage po natin sila, ang ating mga kababayan, na mag-donate po ng dugo," dadgad ni Dr. Gerald Valeriano, medical officer ng Philippine Red Cross.
Ipinagpatuloy ang ng GMA Kapuso Foundation ang Sagip Dugtong Buhay blood letting sa Training and Doctrine Command sa Camp O'donell kasama ang ilang performers tulad nina Tess bomb, Roland Millan, Thelina Sicam, at Reynan Dal Anay.
Da kabuuan, 777 blood bags ang nalikom ng GMA Kapuso Foundation.
Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa sa proyekto ng Nivea; Dunkin'; General Nutrifoods Philippines Inc.; Dolly Tuna Flakes; Philippine Army 7th Infantry Division, Army Artillery Regiment, 2nd Infantry Division, OG7, US Army Soldiers, Special Forces Regiment (Airborne), Light Reaction Regiment, Army Aviation Regiment, Maneuver Center-TraDoc, Training and Doctrine Command; Philippine Red Cross; Propan; Crystal Clear; Del Monte Philippines Inc.; at Quick Chow Instant Mami.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus