GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng libreng pap smear at breast exam sa Cebu | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng libreng pap smear at breast exam para sa mga kababaihan sa Cebu.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng libreng pap smear at breast exam sa Cebu

By MARAH RUIZ

Dalawang dekada nang lady guard si Jennifer Baguio, 50 years old mula sa Cordova, Cebu.

"Proud po ako ngayon na isa akong security lady guard kasi marangal ang trabaho," pahayad ni Jennifer.

Aminado rin siya na nakakaramdan siya ng pananakit ng katawan matapos ang buong araw na duty.

Kabilang si Jennifer sa kababaihang binigyan ng libreng pap smear at breast examination ng GMA Kapuso Foundation sa bayan ng Sogod at Cordova sa Cebu.
 

 

 

Bukod sa pap smear at breast examination, hinandugan din sila ng GMA Kapuso Foundation ng grocery packs at hygiene kits bilang regalo.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa sa proyektong ito ng Ramon Aboitiz Foundation Inc., Eduardo J. Aboitiz Cancer Center, Integrated Cebu Midwife Clinic Inc. (ICMCI), Rural Health Unit-Sogod and Cordova, Selecta Milk, at Eurotel.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation na alay sa mga kababaihan na pang buon taon, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.