Dito napag-alaman na may cataract at pterygium si Beltran. Ang cataract ang pagiging cloudy ng lens ng mata ng tao. Ang pterygium naman ay isang growth sa mata na sanhi ng matinding exposure sa araw, alikabok, at hangin.
"Kasi 'pag bumabiyahe ako ng gabi, 'pag sinisilawan ako ng ilaw, hindi ko makikita. Tumatabi na lang ako kasi pinalipas ko muna 'yung liwanag ng kotse. 'Pag araw naman po, nakikita ko 'yung ulap," paliwanag ni Beltran tungkol sa kanyang mga mata.
Noong February at March, dalawanag beses sumailalim si Beltran sa cataract surgery sa tulong ng Asian Eye Institute.
"Una, tinanggal natin 'yung pugita or 'yung pterygium. Kinayod natin siya mula doon sa harap ng mata. And pangalawa, 'yung katarata niya, tinaggal na natin and naglagay tayo ng lente kapalit noong dati niyang lente na naging cataract," paliwanag ni Dr. Mario Gerard Padilla, ophthalmologist sa Asian Eye Institute.
Matapos ang dalawang linggo, malinaw na ang paningin at muli nang nakakapagtrabaho si Beltran.
Bukod diyan, sinorpresa pa siya ng GMA Kapuso Foundation ng sidecar na magagamit niya sa paghahanap-buhay, sa tulong ng The Benjamin Canlas Courage to be Kind Foundation.
"Nagpapasalamat po ako lalo na sa GMA Kapuso Foundation, malaking tulong sa akin ito dahil lumiwanag na 'yung mata ko, at sa Asian Eye Institute, kay Dr. Padilla.
Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa nina Dr. Mario Gerard Padilla, Asian Eye Institute, at The Benjamin Canlas Courage to be Kind Foundation.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus