GMA Kapuso Foundation, nakalikom ng 1,705 blood bags sa Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nakalikom ang GMA Kapuso Foundation ng 1,705 blood bags sa Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project na idinaos noong February 26.

GMA Kapuso Foundation, nakalikom ng 1,705 blood bags sa Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project

By MARAH RUIZ

Matapos ang tatlong taong pagkakahinto dahil sa kasagsagan ng pandemya, muli nang naidaos ng GMA Kapuso Foundation ang blood drive nitong Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project.

Ginanap noong February 26 sa Ever Commonwealth, nakalikom ang GMA Kapuso Foundation ng 1,705 blood bags.

"Dito hindi mo kailangnan maging mayaman para makapagbigay ka ng tulong sa kapwa mo. Sagip Dugtong Buhay, ibig saibhin madudugtungan mo 'yung buhay ng tao, magbibigay ka lang ng bahagi ng iyong dugo," pahayag ni GMA Kapuso Foundation Ambassador and Special Adviser Mel Tiangco.

 

 

Nagbigay-saya naman sa blood donors ang ilang mga performers tulad nina Dani Ozaraga, Muriel Lomadilla, Papa Dudut, Papa Ace, Tess Bomb, Civil Military Operations Regiment Band, P-Pop Press Play Hit, Rolland Millan, Shaniah Rollo, Klinton Start, Jhustine Miguel, Mark John Calma, JM Enriquez, Avon Rosales, Godwin Clifford, Ramil Omosura, at Jemuel Luciano.

Kinilala rin dito ang ilang Kapuso Blood Galloners o 'yung mga galon-galon na ang nai-donate na dugo.

"This year, we hope that through the Philippine Red Cross at lahat ng partners natin, makatulong po sa pag-reach ng 70% annual target natin for blood collection," lahad ni Gwendolyn Pang, Secretary General ng Philippine Red Cross.

"Hopefully, with the advocacy of GMA Kapuso Foundation and Philippine Red cross, ma-meet natin 'yung demand for blood," dagdag naman ni Rikki Escudero-Catibog, Executive Vice President and Chief Operating Officer ng GMA Kapuso Foundation.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa Colgate-Palmolive Philippines, Pocari Sweat, Dunkin', Generika Drugstore, Chowking, Del Monte Philippines, Healthy and Pure, Ma Chicken Mami House, Skyworth Philippines Corporation, Sogo Cares by Hotel Sogo, at Ms. Linda Chua/Super Chips na nagsilbing sponsors ng Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project.

Hindi naman maisasakatuparan ng GMA Kapuso Foundation ang Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project kung wala ang tulong ng partners nito tulad ng Ever Commonwealth, Philippine Red Cross, Philippine Navy, Philippine Marines, Philippine Coast Guard, Philippine Air Force, Philippine National Police-QCPD, Bureau of Jail Management and Penology, at Bureau of Fire Protection-NCR.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maaari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.