MA Kapuso Foundation: Mga paalala para sa Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Narito ang ilang paalala para bago mag-donate ng dugo sa Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project ng GMA Kapuso Foundation ngayong February 26.

MA Kapuso Foundation: Mga paalala para sa Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project

By MARAH RUIZ

Ilang frequently asked questions o FAQs ang sinagot ni Dr. Christie Monina Nalupta, Philippine Red Cross Asst. Secretaty General for Program Development and Services bago ang Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project ng GMA Kapuso Foundation.

Idaraos ang bloodletting ngayong February 26, 8:00 a.m. hanggang 6:00 p.m. sa Ever Commonwealth sa Quezon City.

Maari bang mag-donate ng dugo ang taong may high blood pressure?

"Dapat hindi naka-take ng kanilng mga hypertension drugs or mga drugs related to the illness. Dapat handa rin tayong sabihin kung ano 'yung ating mga iniinom na gamot or kung maryon tayong sakit at the time of the donation," paliwanag ni Dr. Nalupta.

Maari bang mag-donate kung katatapos lang magpaturok ng COVID vaccine?

"For COVID vaccine and flu vaccine, anytime naman puwedeng mag-donate ng dugo. And of course for Hepatitis B vaccine, puwede rin mag-donate ng dugo," lahad ni Dr. Nalupta.

Maari bang mag-donate ng dugo habang may monthly period?

"Even if you have menstruation but then if you have a normal hemoglobin level then you can still donate blood," ayon kay Dr. Nalupta.

Narito naman ang ilang paalala bago mag-donate ng dugo.

1. Iwasan ang alak
2. Iwasan ang mamantikang pagkain
3. Uminom ng maraming tubig
4. Kumain nang tama
5. Matulog nang maayos

 

 

"Mga Kapuso, ang lahat po ng magdo-donate ng dugo ay makatatanggap ng limited edition 2023 Bayaning Kapuso ballers at iba pang freebies. Bukod pa diyan, makikisaya rin sa atin ang ilang Kapuso artists. Kaya naman maging certified Bayaning Kapuso at maikiisa na sa Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project ng GMA Kapuso Foundation sa darating na Linggo, February 26 sa Ever Commonwealth, Quezon City, 8:00 a.m. hangang 6:00 p.m.," imbitasyon ni GMA Kapuso Foundation Founder and Ambassador Mel Tiangco.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Allied Hospital Supply International Corporation at Selecta Milk.

Makiisa na sa Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project, February 26, 8:00am to 6:00pm sa Ever Commonwealth, Quezon City.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.