GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong para sa 17,000 mag-aaral sa Mindanao
February 03 2023
By MARAH RUIZ
Salamat sa mga partners, sponsors, donors, at volunteers, nakapaghatid ang GMA Kapuso Foundation ng tulong para sa 17,000 mag-aaral sa mga liblib na lugar sa Mindanao.
Sa ilalim ng Give A Gift: Alay sa Batang Pinoy project, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng gift bags na may lamang pagkain, laruan at hygiene kits sa mga estudyante sa Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat, at Surigao del Norte.
Nagbigay rin ang GMA Kapuso Foundation ng mga gamot sa rural health center sa Patikul, Sulu.
Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng 2GO; Hello Glow; AFP JTF-NCR, JTF-Zamboanga, Western Mindanao Command; Philippine Army Divisions 4ID, 6ID, 10ID, 11ID, 901st BDE, 101st BDE, 54th Engineer, 6th CMO BN, 64th CMO BN; Philippine Marine Corps 2nd marine BDE; Meridian Shipping and Container Carrier Inc.; Seaborne Shipping Lines; Moreta Shipping Lines; Solid Shipping Lines; at Rainphil Inc.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.
Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus