GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng regalo sa mga mag-aaral sa Siruma, Camarines Sur
December 27 2022
By MARAH RUIZ
Isang mag-aaral si Haina Juarez sa Daldagon Elementary School sa Siruma, Camarines Sur.
Apektado ang kanyang pananalita matapos operahan dahil sa kanyang cleft palate. Dahil dito, madalas siyang tuksuhin ng ibang mga bata.
"Mahirap din po lalo na 'pag nakikita kong binu-bully siya diyan sa labas. Hindi na lang ako kikibo kahit masakit sa loob," kuwento ni Jelly Juarez, nanay ni Haina.
Gayunpaman, hindi ito naging balakid kay Haina at determinado siyang matutong magbasa.
"Gusto ko po mag-aral, magtrabaho, at tumulong sa magulang," lahad ni Haina.
Kabilang si Haina sa mahigit 1,300 mag-aaral mula kinder hanggang Grade 6 sa Siruma, Camarines Sur na hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng gift bags at hygiene kits sa pagpapatuloy ng Give A Gift: Alay sa Batang Pinoy Christmas project.
Ilan din sa mga batang ito ay anak ng mga mangingisda at magsasaka.
Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng Casino; Rainphil Inc.; DepEd-Division of Camarines Sur; AFP JTF-NCR; Philippine Army 9th Infantry Division, 91st CMOC, 83rd Infantry Battalion; 1st PMFC-PNP, CMFC-PNP, GRII Naga City Chapter; at Champion.
Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.
Maaari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.
Comments
comments powered by Disqus