GMA Kapuso Foundation, nag-abot ng tulong sa Camarines Sur, Antique at Maguindanao | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nag-abot ang GMA Kapuso Foundation ng tulong sa 12,000 indibidwal na apektado ng bagyong Paeng sa Camarines Sur, Antique at Maguindanao.

GMA Kapuso Foundation, nag-abot ng tulong sa Camarines Sur, Antique at Maguindanao

By MARAH RUIZ

Nabalot ng makapal na putik ang bahay ni Arvin Benditahan na taga Nabua sa Camarines Sur dahil sa bahang dala ng bagyong Paeng.

Umabot ng baywang ang baha sa kanilang lugar kaya marami sa gamit na naipinundar niya ay nasira.

"Hindi ako makatulog noong kasagsagan ng ulan kasi kami lang dito. 'Yung mama ko nandoon sa loob," paggunita ni Arvin.
 

 

 

Para matulungan ang mga residenteng tulad niya, nagtungo ang GMA Kapuso Foundation sa Nabua, Baao at Bula sa Camarines Sur on November 1 para mamigay ng food packs sa ilalim ng Operation Bayanihan.

Matapos naman ang repacking na isinagawa ng mga sundalo at volunteers sa Cotabato, agad ding ipinamahagi ang relief packs sa Upi, Maguindanao noong November 1.

November 1 din tumungo ang GMA Kapuso Foundation sa Patnongon, Antique para magbigay ng tulong doon.

Sa kabuuan, 12,000 indibidwal ang nahatiran ng tulong sa Camarines Sur, Antique at Maguindanao.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng AFP JTF-NCR, Southern Luzon Command; Philippine Army 6th Infantry Division, 9th Infantry Division, 54th Engineer Brigade, 6th Civil Military Operations Battalion, 1203rd Community Defense Center of 12th RCDG, 62nd Naval Group Reserve of Naval Forces-Western Mindanao, 54th Engineer Battalion, 902nd Infantry Brigade, 81st Infantry Brigade; Bureau of Fire Protection-Pamplona; MDRRMO and MSWDO-Pamplona; at MDRRMO and MSWDO-Milaor.

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.

Maari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier at GCash.

Maari ring mag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shopee at Lazada.